CHAPTER 39

11.4K 342 140
                                    

CHAPTER THIRTY NINE

Fiancée

"Wow..."

That was the first thing that came out of Jaevier's mouth when he stepped out of my car. His lips parted slightly in awe as he looked at my two-story house, his face filled with amazement.

Mahina akong natawa sa kaniyang reaksiyon. I pulled the key out of the keyhole and stepped out of the car as well. Sa harap ng bahay ko ipinark ang aking sasakyan.

"Sa'yo talaga 'to?" He glanced at me, then quickly turned his gaze back to the house, still in awe.

I chuckled. "Sa atin."

Nangingiti kong pinagmamasdan si Jaevier habang inililibot nito ang paningin sa paligid. Dati, nai-imagine ko lang ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya itong bahay ko, hindi ko naman alam na magkakatotoo pala.

"Sa'yo 'yan. Ikaw ang nagpatayo, eh. Wala naman akong ambag," aniya habang nakatingala sa second floor ng bahay, nasa bulsa ang magkabilang kamay.

"I am your fiancée now. Kaya kapag pinakasalan mo na ako, lahat ng pag-aari ko, pag-aari mo na rin," I said, staring intently at him. "At meron kang ambag diyan. That house is your own design."

Fiancée...

My stomach churned at that thought. Tang inang 'yan. It felt so good to call him my fiancée. I licked my lower lips, stifling my smile.

Nanlaki ang mga mata ni Jaevier at gulat na lumingon sa akin.

"What?" he blurted out, clearly surprised by what I said.

Muli akong natawa. Isinara ko ang pinto ng kotse at nakapamulsang lumakad palapit sa kaniya.

"That house is your design, Laurent. That was your dream house. Tinupad ko lang ang pangarap mo."

Unti-unting nagpalit ang ekspresyon sa kaniyang mga mata. His eyes softened while looking at me.

"In love na in love ka na naman," nakangising pang-aasar ko nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.

He scoffed, pabiro pang sinuntok ang biceps ko.

"Sino kaya ang patay na patay sa ating dalawa?" He glared at me, pero sumisilip naman ang ngiti sa mga labi. "Six years naghintay. Tapos ngayon, malalaman kong ipinatayo ang dream house ko na ako pa mismo ang nag-design. Ngayon, sino ang mas patay na patay sa atin, huh?" Nanghahamon niya akong inangatan ng kilay.

I tilted my head back slightly and laughed, running a hand through my hair before looking at him again. "Pero hindi talaga tumatayo 'yan kapag sa iba?"

Siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa.

"You're bullying me," halakhak niya.

"What?" I smirked. "Ikaw ang nagsabi noon, ah?"

"Gago." Kinuha niya ang braso ko at marahan akong hinila. "Ano? Hindi mo ako papapasukin sa bahay mo?"

"Sa atin, Laurent."

"O, e 'di sa atin." He looked at me as we walked toward the main door. Ngiting-ngiti siya sa akin, halos mag-isang linya na ang singkit na mga mata. "Pinaghandaan mo talaga ang pagbabalik ko 'no? Paano pala kung hindi kita binalikan?"

Marahan kong binuksan ang pinto at sabay kaming pumasok ni Laurent. Huminto siya sa tapat ng pintuan para pagmasdan ang loob ng bahay kaya napahinto rin ako.

"Magpapakatanda na lang akong binata. Tapos balak kong mag-alaga ng mga aso't pusa," sagot ko.

Sinulyapan niya ako at muling iginala ang paningin sa sala. "Mahal na mahal mo talaga ako, 'no?"

𝐂𝐚𝐥𝐦𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐈𝐧 𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐢𝐝𝐬𝐭 𝐎𝐟 𝐂𝐡𝐚𝐨𝐬 ➋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon