CHAPTER 26

5.3K 251 67
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Love

"Hanz?"

Bahagyang umangat ang kilay ko ng sa pangalawang beses ay tinatawag na naman ni Jaevier ang pangalan ko.

"Hmm?" Sagot ko na hindi inaalis ang titig sa hawak kong libro.

Nasa café kami, sa labas ng university. Dito namin napiling tumambay muna ngayong vacant period para mag-study. Dahil sa malamig ay naging tambayan na ito ng mga estudyante para mag-study.

"Baby?"

Kunot ang noong nag-angat ako ng tingin sa kaharap. Ano ba ang problema nito? Kanina pa siya tawag ng tawag. Alam namang nag-i-study ako.

Ngumiti siya ng malaki, halos mawala na ang mga mata. "Kailangan pala tawagin kang baby para tumingin ka, huh?"

Nawala ang kunot sa noo ko saka napailing. "Bakit? May sasabihin ka?" Tanong ko sa marahang tono.

"Hindi mo kasi ako pinapansin," he pouted. "Nanghihina na ako."

"What?" Maang akong napatitig sa kaniya, kalaunan ay natawa na lang ako. Gago, parang bata, eh. "Ano ka, si Tinkerbell?"

Humilig siya sa kinauupoan at mas lalong sumimangot. "Totoo naman, ah? Wala nga akong karibal sa'yo, pero iyang pagiging adik mo naman sa libro ang pagseselosan ko."

Humalakhak ako. "Really? Pati libro pagseselosan mo? Pambihira."

Muli akong napailing. Naiisip ko pa lang na pinagseselosan niya ang mga libro ay gusto ko ng humagalpak ng tawa. Napaka-clingy talaga niya. Gusto minu-minuto nasa kaniya ang buong atensiyon ko. Sa laki niyang tao, hindi mo aakalain na ganiyan pala siya kapa-baby. But, nah, I really love this side of him. Aarte ba pa ako? Baka mamaya sa iba na 'yan manghingi ng atensiyon, e 'di sinong lugi? Ako parin naman, 'di ba?

"Hindi ka namamansin kapag may hawak ka ng libro, eh. Nagseselos na ako. You should stop reading books, baby, para sa akin na lang lahat ng atensiyon mo," sabi niya. Seryosong-seryoso pa siya habang sinasabi iyon.

Ibinaba ko sa mesa ang hawak kong libro at itinuon sa kaniya ang buong atensiyon ko.

"Nahiya ka pa. Sana sinabi mo na lang na tumigil na ako sa pag-aaral," natatawang ani ko.

Ngumisi siya, mukhang natuwa sa idea ko. "Puwede naman. Para ako na lang ang pag-aralan mong mahalin."

Nangingiting nag-angat ako ng kilay. "Kailangan pa bang pag-aralan 'yon? Matagal ko nang natutunan 'yon, hulog na hulog na nga, eh."

Humalakhak siya habang sinusuklay ng daliri ang buhok palikod. "Damn it, baby. Why are you so good at flirting?"

"Gusto lang kitang sabayan." I smirked. "Bakit? Hulog na hulog ka na naman?"

"Hindi lang hulog na hulog. Gumagapang na nga, eh."

Humagalpak ako. Tang ina. Happy pill ko na talaga ang lokong 'to. He never failed to lift my mood. Kapag magkasama kami, hindi puwedeng hindi ako tatawa, eh. Punong-puno ba naman ng kalandian ang katawan.

It's been a week simula noong pumunta kami ng laguna at maging kami ni Jaevier. At aminado akong naging masaya ako these past few weeks. And of course, Jaevier was the main source of my happiness.

Masaya rin naman ako noong single ako, pero iba parin 'yong sayang nararamdaman ko ngayon. Iyong kahit pagod at drain na drain ka na sa tambak na school activities, alam mong may isang taong yayakap sa'yo para pawiin lahat ng pagod mo. Alam mong may tao kang masasandalan at naghihintay na tawagan mo. Puwede mong pagkuwentohan ng nangyari sa araw mo, maglalambing at magchi-cheer sa'yo.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon