CHAPTER 28

5.3K 245 140
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Birthday

"Hi, Hanz!"

Napahinto ako sa paghakbang at bahagyang nagulat nang may babaeng humarang sa akin habang papalabas kami ng pintuan ng classroom ni Axiel.

"Yanna." Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Sumilip si Yanna sa likuran ko at agad na ngumiti nang makita si Axiel.

"Hello, Axiel!" she greeted cheerfully and even waved at him. "Pauwi na kayo?"

Umiling ako. "Pupunta kaming gym." Ako na pupunta roon para kay Jaevier na nagpa-practice ngayon, si Axiel na sasama lang para mangbabae.

"Puwedeng sumama?" Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti, halos mag-isang linya na ang singkit na mga mata.

"Sure," sagot ko kahit medyo nagtataka ako kung bakit siya nasa labas ng classroom namin. Mukhang may kailangan siya sa akin. Iyong huli naming naging pag-uusap ay doon pa sa café, mahigit isang buwan na rin iyon.

"Congrats, Hanz. I'm happy for you," nakangiting sabi ni Yanna habang kasabay ko siyang naglalakad patungong gym. Nasa likuran namin si Axiel na abala sa cellphone.

Kumunot ang aking noo. "Congrats?"

"Para sa inyo 'yan ng boyfriend mo. I'm so happy for you, really."

Bahagya akong tumawa habang pinapasadahan ko ng kamay ang aking buhok. "Thank you. Nakarating na pala sa'yo."

"Actually, matagal na." She laughed. "At matagal ko na ring gustong kumpirmahin sa'yo kung totoo nga ba iyong kumakalat na chismis. Alam mo namang fan ako ng BL 'di ba?"

"Well, hindi siya chismis. And yeah, Jaevier is my boyfriend," may tipid na ngiti sa labing ani ko.

"Wow, proud na proud, huh?" Humagikhik siya, kilig na kilig. If she were friends with Summer, they would definitely get along.

I smirked. Sinong hindi magiging proud kung ganoon ang boyfriend mo? C'mon, Mark Jaevier na 'yon, oh. Walang dahilan para ikahiya ko siya. Private ang relasyon namin pero hindi ako magdadalawang-isip na tumango kapag may mga nagtatanong. Deserve niyang ipagmalaki.

"Didn't it hurt? I mean, you had a crush on me, right?" natatawang biro ko.

"Sira, hindi 'no! Genuine 'yong happiness na nararamdaman ko for you!" maagap na sagot niya saka nagtakip ng bibig para tumawa. "Walang halong joke, masaya talaga ako. Ako nga yata ang unang-unang kinilig after kong marinig 'yong rumor about sa inyo ni Jaevier. Kaya siguro hindi mo ako pinursue dati kasi para sa basketball player ka talaga at hindi para sa nursing."

I laughed. Kaya rin siguro walang babaeng nakakakuha ng interes ko dahil para lang talaga ako kay Jaevier.

"Kaya rin siguro hindi ka pinursue nitong si Hanz kasi para sa akin ka talaga," biglang sabad ni Axiel na nakalimutan ko nang kasama rin pala namin.

Ngumiwi si Ashianna at inirapan ang nakangising si Axiel.

"Shut up! Hindi tatalab sa akin 'yang mga paganiyan-ganiyan mo." Dumikit siya sa akin. "Sasama ako sa inyo sa gym, maghahanap ako ng new crush. Mga pogi ang mga friends ni Jaevier, malay natin baka nasa circles niya ang destiny ko."

Pagpasok sa gym ay agad kong inilibot ang aking paningin, agad ko namang nakita ang taong hinahanap ko. Nasa gitna ito ng court, nakasuot ng puting T-shirt na pinatungan niya ng kulay asul na basketball uniform, magulo ang basang buhok, pawisan at hinihingal.

Hindi napansin ni Jaevier ang pagdating namin. Kung hindi pa kami inginuso ni Shawn ay hindi pa titingin sa direksiyon namin si Jaevier. Agad gumuhit ang ngiti sa labi niya ng magtama ang aming mga mata, ngunit sandali lang iyon dahil agad ring napawi ang kaniyang ngiti ng mapatingin sa babaeng nasa tabi ko.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon