CHAPTER 27

5.2K 235 42
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

first

"Alam mo ba kung bakit ako nag-architecture?" Tanong ni Jaevier.

I was facing the night view of Manila again while he held me from behind. His chin rested on my shoulder, occasionally planting kisses on my neck.

Napaka-clingy niya. Siguro ganoon din siya sa mga naging babae niya?

"Hmm? Bakit?" I asked, gently running my hand over his arm wrapped around me.

Narinig ko kay Summer na galing sa pamilya ng mga doctor si Jaevier. Narinig ko rin ang pag-uusap nila noon ng kapatid ko na magdodoktor sana siya dahil iyon ang gusto ng kaniyang mga magulang.

"Dahil sa'yo." Bahagya akong napapitlag ng muli niyang halikan ang leeg ko. Kanina pa siya halik ng halik, ang landi-landi. "Narinig ko kasi dati na architecture ang kukunin mong course sa college kaya nag-decide ako na 'yon na rin ang kunin. Hindi ako nag-e-exist sa mundo mo noon, kaya gusto ko na kahit sa classroom man lang iisa tayo. Kahit hindi mo ako tinatapunan ng tingin, kuntento na akong nakikita ka araw-araw."

I didn't know how to feel about what he confessed. Damn... seriously? He chose architecture... because of me?

I'm aware this guy is head over heels for me, but hearing about the things he's done for me still surprises me. Like, what the fuck? He pursued architecture just to be in the same classroom as me? Paano pala kung hindi siya fit sa ganoong kurso?

Napailing ako. "You're crazy."

Humalakhak siya sa aking leeg. "Alam mo bang binugbog ako ng dad ko noong mas pinili kong mag-take ng architecture? Naconfine pa ako noon ng tatlong araw sa hospital dahil napuruhan ako." His laughter grew louder, as if there was something funny about what he said.

I stopped stroking his arm and poked the inside of my cheeks. Hindi ko lubos maisip kung anong klaseng mga magulang mayroon si Jaevier. Dahil lang doon binugbog na siya? Anong klaseng tatay ba ang gagawa ng ganoon sa anak niya?

Napabuntong hininga ako nang may maalala. Oo nga pala. Anak lang daw siya sa labas, kaya rin siguro ganoon ang trato sa kaniya ng tatay niya. Pero hindi parin iyon sapat na rason para tratuhin nila si Jaevier ng ganoon, anak man siya sa labas o hindi. Hindi naman kasalanan niya na anak siya sa labas. Tang ina, hindi naman niya iyon ginusto at pinili.

"Gusto ko rin sana talagang maging doktor, kaya lang sa kapipilit ng parents ko, parang nawawalan ako ng gana. Para kasing lumalabas na nag-doctor lang ako dahil iyon ang gusto nila." He heaved a sigh.

"Pero noong si kuya ang gustong mag-abugado, wala man lang akong pagtutol na narinig sa kanila. Sinuportahan nila si kuya, pero sa akin hindi nila magawa." He tried to laugh again, but I could hear the sadness and disappointment in his voice. "Ang sama ko bang kapatid kung sasabihin kung nagseselos ako? Am I bad if I say... I wish they treated me the same way?"

I stroked his arm again to lighten his mood.

"Hindi ka masamang kapatid, Laurent," marahang wika ko. Gusto kong marinig niya bawat salitang sasabihin ko. "Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan palaging ikaw ang umiintindi at nag-a-adjust. Hindi ka masama, the people around you are just too harsh. If you feel jealous, be jealous. If it hurts you, it hurts you. Feeling jealous doesn't make you a bad person. Feel what you feel. What you feel will always be real and valid and deserve to be acknowledged."

Your pain, disappointments, jealousy, and anger are valid, but being rude and pulling others down are not. Your feelings are always valid, but don't use your feelings as an excuse for your bad behavior.

Calmness In The Midst Of Chaos (THE PLAYBOY'S OBSESSION) ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon