B.A.Y.W #13

879 29 1
                                    

/MERRY‘S POV/
Iniiwas ko ang tingin sa asawa ng pumasok ito ng silid. Sa telebisyon ko itinutok ang mga mata. Kung dati dalawang araw lang ako rito. Ngayun, inabot ako ng isang lingo rito sa Hospital at naiinip na ako.

Lihim kong sinusubay bayan ang gawi ni Devon. Inililigpit na nito ang mga gamit ko.

"Pwede na akong umuwe?"

"Oo. Inaayos na ng tauhan ko ang discharge papers mo rito. Hintayin na lang natin ang nurse na tanggalin iyang IV sa kamay mo."

Hindi na ako muli umimik. Saglit pa ay may kumatok. Pumasok ang lalaking nurse kasunod sina Cedric at Lyon.

"Ced!!" masayang bati ko sa lalaki.

"Misis! Haha kumusta?" akmang lalapit sa akin si Ced ng hilahin ito pabalik ni Lyon. Binulungan.

"Ayus lang ako." hinayaan ko ang nurse na asikasuhin ako.
"Ikaw? Saka anyare sa mukha mo?" may pasa kasi.

Bilang sagot, tinawanan lang ako ni Cedric.


Nag arkuhan ang mga kilay ko.
"Huwag mo akong tawanan! Saan ka nang galing? Ang tagal rin nating hindi nag kita ah?"

Lumabas na ang nurse. Pumasok naman ang isang tauhan ni Devon.
"Boss!"Si Coco. "Ayos na po si Miss Merry."

Inabot naman ni Lyon ang bag na hawak ni Devon.
Maingat akong bumaba ng kama ngunit agad din akong inalalayan ng asawa.

"Kaya ko." binawi ko ang siko saka dinampot ang basket ng mga prutas sa mesa. May pag bibigyan ako.

"May dadaanan lang aku saglit?" Baling ko sa asawa pagka labas namin ng silid. Nasa likod namin yung tatlo.

Tumango si Devon.
"Aantayin ka ni Coco."

Sa sinabi nito ay tinungo ko agad ang kwarto sa pinaka dulo ng palapag na iyon. Kumatok aku.

"Ahm, hi?" Alanganing bati ku sa naka suit na lalaki.
"Anu... saglit lang ako. Pwedi ku ba syang makita?" Ipinakita ku pa yung dala kung prutas.

Nanatili syang walang imik saka tumingin sa likod ko. Para itong naalerto.

"Ahm, saglit lang ako. O kaya ikaw na ang mag bi--"

"Gino. Sinong kausap mo?" isang boses mula sa loob.

"Wait here." ipininid ng lalaki ang pinto. Maya maya pay muli iyong binuksan.
"Just you, Miss." niluwangan nito ang bukas.

"Sir! Err, good afternoon po." bati ko sa bisita ng matadang lalaki.

Ang matandang lalaking naka ratay sa higaan ay lagi kong nakaka kwentuhan sa hardin nitong Hospital.

"M.C. Hija!" si Mister Valentino Saint-Juz. Napa hinto ito sa ginagawa at inilapag ang hawak na papel at ballpen.

"Prutas po." kumapit ako sa mesa nito at ipinatong roon ang dala.

"Uuwe ka na? Siya ngapala ang anak ko. Si Cord. Siya naman si M.C. bagong kaibigan."

"Oh!" tumayo ang anak nito at inilahad ang kamay.
"Ikaw pala ang tinutukoy ni Papa na magaling sa bulaklak. Please to meet you."

Being A Yakuzas' WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu