B.A.Y.W #40

225 4 0
                                    

/Devon Laire's POV/
Naalimpungatan ako sa pag kakatulog ng makarinig ng pag sara ng pinto. Marahan kong uminulat ang mga mata at nakita ang asawa na naka ayos na ito.

"Good morning, Baby."

Sinuklian ko ang ngiti ng asawa.
"Good morning din." Naka ngiti kong wika saka bumangon mula sa pagkaka dapa.

"Tayo kana, malalate ka." Ipinusod nito ang buhok.

Mataman nyang pinag masdan ang asawa.

Hindi talaga siya mapalagay na ito at si Scorpion ay iisa. Walang dahilan ang asawa upang isa isahin ang myembro ng BH. Kulang ito sa kakayahan at impluwensya.

"Huy! Ano na?!"

Napa kurap sya. Nasa harap na niya si Merry, bitbit ang damit na pampasok niya sa opisina.

"Ah, Anong oras na?" Tumayo ako. Nilapitan ang mga anak sa crib. Hinalikan sa nuo.

"Pass seven.." matapos nitong ilatag sa kama ang mga damit ko.

"Anong oras na naman ba kayo natapos sa pag uusap ni Scott, kagabi?"

Nang lingunin nya ang asawa'y naka pamewang ito.

"Maaga rin naman. Mahalaga kasi iyun. Tungkol sa negosyo." Sa OASIS.

Umungos si Merry.
"Devon Laire, ipapaalala ko lang... ang oras ng trabaho ay nag tatapos sa alas sinco ng hapon. Lumalaki na ang mga bata ah.." umirap ito.

Hindi nya napigilan ang pag alpas ng isang ngiti.

"Hindi ako mawawalan ng oras sa inyo." Nilapitan ko ito, niyakap saka hinagkan sa nuo.

"Mag aayos lang ako. Ayusan mo na ang dalawa." Bilin ko pa bago tinungo ang banyo.

Sa pag labas ko ay wala na ang nag iina ko. Marahil ay nasa baba na. Agad akong nag bihis at nag ayos.

Hindi nga siya nagka mali. Nasa hapag na ang lahat. Nang dumulog siya ay agad siyang pinag silbihan nang asawa.

"

Dahan dahan." Agad kong inabutan si Merry nang tubig ng mahirinan ito.

"Urm, kailangan ko kasing maagang pumasok. Kasi hindi kami natapos ni Agatha sa Shop kagabi. Iaayos pa kasi namin ang nga bulaklak sa simbahan para sa kasal. Bwisit kasi si Madam, panay ang lamyerda. Ayaw atupagin ang shop nya. Parati na lang kaming dalawa ni Agatha ang nag aasikaso. Para na nga kami ang may-ari niyon. Kulang na lang ang titulo para masabi naming sa amin talaga iyon..."

Nagka tinginan kaming magka kaibigan. Wala pa ring alam si Merry na naka pangalan na rito ang shop. Maragal na.

"..Kaso minsan iyung si Agatha, may pagka luka luka rin. Bigla nalang mawawala at mag tetext nalang na may emergency. Napapa isip na nga ako kung nag dadahilan lang ang kaibigan dahil kung emergency, bakit naman nito iiwanan ang bag sa store." Muli itong uminom nang tubig. Tumayo.

"Mga baby ko." Pinag hahalikan ni Merry ang mga bata na naka upo sa high chair.

"Sorry, hindi ako makaka sabay sa inyo. Need ko talagang mag madali. Ang mga bata ahh?" Si Merry ng maka lapit sa akin. Ni hindi ako naka huma ng mabilis nitong kintalan ang labi ko sa isang mabilis na halik.

Being A Yakuzas' WifeWhere stories live. Discover now