B.A.Y.W #44

225 7 0
                                    

Location: Selangor,Malaysia

/CORD SAINT-JUZ POV/
Kasalukuyang binibistahan nya ang sarili sa harap ng salamin. Suot ang dark blue na suit, lalo pa nyang iniunat ang sleeves niyon.

"Nagustuhan nyu po ba, Ginoo?" Anang babae na umaasikaso sa kanya.

Iyon na ang huli nyang pinag pipilian para sa espesyal na okasyon na gaganapin sa susunod na gabi.

"Hmm...?"

"Excuse me, Boss." Si Fiero.

Mula sa salamin ay tiningnan nya ang pinag kakatiwalaang tauhan.

Matapos mag pasintabi sa babaeng nag assist at umalis iyon ay saka pa lamang ito nag salita.
"Dumating na sa bansa sina O'Connor at Wallace."

Ibinalik nya sa sarili ang atensyon.
"Talaga? Hmm? Pakidala ang complementary gift ko para kay O'Connor." Angat ang isang sulok ng labi na inumpisahan nyang hubadin ang suit na suot.

Hinarap si Fiero.
"Silang dalawa lang ba?"

"Kasama ang ilang tauhan." Tumabi si Fiero at tinulungan sya sa ginagawa.

"Pakisabi na kukunin ko ang kulay pulang suit." Pag tatapos ko sa pinag uusapan.

'Kung ganun ay hindi kasama ni O'Connor ang asawa. Wala pa ba itong alam o nag maaang maangan lang?'

Mabilis na lumapit sa kanya ang isang tauhan. Agad na isinuot sa kanya ang coat at inabot rin ang kanyang telepono.

/DEVON LAIRE O'CONNOR POV/
Magka tabi ang suit na pinili nila ni Wallace. Ilang oras lang syang nag pahinga bago muling bumaba kasama si Sept upang umattend ng business meeting.

Gabi ng bumalik sila ng hotel na tinutuluyan. Matapos mag padala ng mensahe sa asawa'y ihinayak na nya ang sarili upang maka pag pahinga.

Umorder sya ng room service para sa tatlong katao..

"Boss?" Si Sept na sumungaw sa pinto ng kanyang kwarto.

"May nag papaabot." Ipinakita nito ang hawak na file envelop.

"Chineck ko na iyan. Wala namang kakaiba."

Walang address ang naturang envelop ng kunin nya iyon mula kay Sept.

"Ayos na rin pala ang hapunan."

"Susunod na ako." Binuksan ko ang envelop. Mga larawan iyon.

Kunot ang nuo na inisa isa kong tiningnan ang larawan. Si Saint-Juz iyon at may kausap na babae.

Humigpit ang kapit nya sa larawan ng makita ang solong larawan ng babaeng kausap ni Saint-Juz. Naka disguised man ito. Kilalang kilala pa rin nya ang hulma nang asawa.

Alin na lang sa dalawa... kinakalaban siya nang asawa o, higit pa roon ang ugnayan nang dalawa.

"Lyon!" Nag mamadali akong lumabas ng silid.

"Boss?" Si Lyon na napa tigil sa gagawing pag upo sana.

Ipinacheck ko agad ang araw na nag kita sina Merry at Saint-Juz.

Sa video, kita ang pag alis at pag balik ni Merry sa shop. Walang kakaiba.

"May problema ba?" Kunot ang nuo ni Lyon na bumaling sa kanya. Maging si Sept.

"Kung andyan si Merry ng mga oras na iyan.. eh sino ang Merry na ito?" Sabay lapag pahagis sa mesa ng mga larawan.

"Fuck! Totoo ba ito? Si Saint-Juz at teka... sabi mo si Merry ito?" Si Sept na sinuri ang larawan.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon