B.A.Y.W #18

785 21 2
                                    

/DEVON‘S POV/

"Morning." Bati ku sa asawa pagka dulog nang hapag.

Nakangiti akong nilingon nang asawa mula sa ginagawa.

"Maupo kana, hayaan muna si Sept--"

"Ayos lang! Tapos na naman." ipinaghain muna siya nito ng pagkain bago umupo sa tabi ko.

Lagi itong maagang gumigising upang asikasuhin ako. Mula sa pag aayos ng mga susuotin ko araw hanggang sa pagkain. Naroon naman sa bahay nila si Sept upang ito ang umasikaso sa pagkain ngunit tinutulungan pa rin ito nang asawa.

Masasabi kong maayos ang lahat simula nang maka balik na kami.

At si Damon...

Wala pa akong balita kung na saan ang kapatid kong iyon. Matinik mag tago ang walangya.

Alam na rin nang mga magulang ang ginawa nitong gulo.

At si Charles na raw ang bahalang dumisiplina sa anak.

Matapos ang umagahan ay mag kasunod kaming tumayo.

Nang tumayo ang asawa ay kumuha pa ito nang isang slice ng tinapay. Inubos ang iniinum na kape.

"tara na Ced" anito sa driver/bodyguard matapos akong halikan sa nuo.

Noong una'y naasiwa ako lalo na't nakikita akong lihim na pinag tatawanan nung tatlo. At naiinis ngunit sa huli ay naka sanayan ko na rin.

"Ako na." sinenyasan ko si Ced na akmang tatayo at susundan ang asawa.

"Mag kita na lang tayo sa opisina." Tinapunan ku lang rin ng tingin si Sept nang pati ito‘y tumayo na rin.

Lumabas ako ng dinning na nag mamadali.

"Hey..." kinatok ku ang salamin sa gawi ng asawa. Nang bumaba nito iy0n... Salubong ang kilay nito. Nag tataka.

"Lumipat ka dito sa kabila." Tukoy ku sa k0tseng palaging ginagamit. Agad naman it0ng kumilos.

"Saan si Cedric?" nang maka upo na ito.

Pinausad ko na ang sasakyan palabas ng bakuran ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay natanawan ko na ang pag sunod nang sasakyan nina Sept at Ced.

"Si Cedric na ang mag susundo sa iyo mamaya. Pero kung maaga akong matatapos sa opisina, susunduin kita."

"Umm, Laire. Dadaan ako kina Tatay bago umuwe ah. Pero text kita agad kung doon ako matutulog. Miss ko na sina Tatay eh."

"Ganun ba? Sige."

"Itext mo ako mamayang lunch okey!"

Napa ngiti ako.

Hanggang sa maka rating na kami sa pinag tatrabahuan nito.

"Mag ingat ka sa byahe." saka ito mabilis na dumukwang upang halikan ako sa pisngi. Naka ngiting lumabas nang sasakyan.

"He—" sumarado na ang pinto sa nilabasan nito. Geez!

Wala na akung nagawa kundi ihatid nalang nang tanaw ang asawa hangang sa tuluyan na it0ng naka pasok ng store. Naiiling na napapa ngiting iniusad ku ang sasakyan paalis ng lugar.

TINANGUHAN ku lang si Sept saka nag tuloy tuloy ng lakad papunta sa opisina.

Malalim akong napa buntong hininga. Humakbang tungo sa mesa. Dahil ilang araw rin akong hindi naka pasok nitong huli ay hindi matapos tapos ang tambak kong trabaho.

Kasalukuyan akong abala sa pag babasa nang mga papeles nang tumunog ang interc0m na siyang nag pabalik sakin sa reyalidad.

Being A Yakuzas' WifeWhere stories live. Discover now