B. A. Y. W 47

246 5 0
                                    

/DEVON LAIRE POV/

Isinara nya ang pinto. Sa kanyang tabi ay naruon si Sept. Tinanguhan nya si Alexis na naka upo sa unahan ng taxi. Sinabi nang huli sa driver na maari na silang umalis.

Umusad ang sasakyan paalis nang lugar na iyon. Binagtas ang trapiko nang pang hapon.

Sumandal sya at pinilit irelax ang katawan.

Ikiniling ni Sept ang ulo at bumulong.
"Ayos ka lang?"

Umangat ang isang kilay ko.
"Halata bang ayos ako?" Puno ng pang uuyam na tanong ko rito.

Kagabi ay nilunod nya ang sarili sa alak. Ngayon naman ay oras na para umuwi. At ang asawa? Ah! Hindi nya alam kung nasaan ba ito!

Ano na bang mangyayari sa kanila?

Bakit ba ngayon ay komplikado na ang sitwasyon? Ang lahat?!

At ang higit na tanong, sino ang mga tauhan ng asawa? Sino ang nasa likod nito?

Malalim syang napa buntong hininga.
Sumasakit ang ulo niya sa kaiisip!

Malayo layo na rin ang kanilang na babyahe nang maka rinig ng malakas ring pag sabog sa kung saan. Tumaas sa ere ang makapal at maiitim na usok. Binaliwala nila ang insidenteng iyon. Sa isiping may kung ano lang na nangyari sa lugar na nasabi.

Traffic. Naging usad pagong ang mga sasakyan.

Mula sa kung saan ay sumingit singit ang isang motor. Lumagpas sa kanilang kinalululanang sasakyan. Huminto sa kanilang harapan. Ang isang kamay nang driver ay pumalob sa suot nitong jacket. May hinuhugot.

Mabilis ang pangyayari, naka tutok sa kanila ang hawak na baril ng driver ng motorsiklo ng mula sa unahan ay may isang motorsiklong bumulaga at binangga ang nauna. Bago pa makahuma ang tumalsik na motorista ay sunod sunod na bala ang tumama sa katawan nito.

"Devon." Iyong tawag na iyon ni Sept kanya kanya kami ng labas ng baril nina Alexis. Ang driver ng taxi ay nag kukumahog paalis ng lugar.

Sa pag labas nya ng taxi ay syang taas ng motorista ng shield ng suot nitong helmet. Si Lyon.

Nakaka agaw na sila ng atensyon.

Tonog ng maiingay na motor ang papalapit sa gawi nila.

"Takbo na!" Iyong sigaw na iyon ni Lyon ay iniunat nito ang kamay na may baril. Tumutok sa gawi namin ang nguso niyon ngunit iba ang puntirya. Bumabaril ito ngunit walang ingay.

"Boss. Tara!" Si Alexis na hinawakan pa ako sa braso.

Napilitan kaming tumakbo dahil sa trapiko.

"Devon Laire!"

Si Merry sakay ng isang motorsiklo sa likod nito ay may tatlo pa. Ibinato nito sa akin ang hawak na helmet pag tapat palang.

"Sakay. Bilis."

Walang tanong tanong na umangas sya sa asawa. Hindi pa man sya nakaka ayos ay pinasibad na nito palayo ang motor.

"Sinusundan pa rin tayo, Boss!" Sigaw ng tumapat sa aming motorsiklo. Angkas nito si Alexis na panay ang baril.

"Mag hiwahiwalay tayo! Doon na tayo mag kita kita!" Sa sinabing iyon nang asawa ay kanya kanya ng direksyon ang mga kasamahan nila.

"Peste!" Narinig pa nyang mura nito at lalo pang binilisan ang pag papatakbo.

Isang van ang tumapat sa kanila. Iginagaya sila. Pinaputukan nya iyon ngunit bullet proof ang sasakyan. Hanggang sa umakyat sila sa express way. Walang masyadong dumaraang motorista. Umuna sa kanila ang van. Nang walang sabi sabing huminto ang asawa, nag driff paikot. Kailangan nya nang matinding balanse upang hindi sila parehong madisgrasya. Umikot at umarangkada na naman.

Being A Yakuzas' WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang