B.A.Y.W #38

188 6 0
                                    

Three days later...
/DEVON'S POV/
Alpha... Brave...
Lumitaw sa balintataw ko ang masayang mukha ng pamilya hanggang sa manatili iyon sa asawa. Paulit ulit syang tinatawag.

Laire... Laire...

"Devon Laire ano ba?!"

Nahigit ko ang hininga ng pagmulat ko ng mata ay haggard na mukha ng asawa ang nakita ko. Tumaas baba ang dibdib ko.

Nasaan ako?

"Sira--" hindi ko na inintindi pa ang anu mang sasabihin ng asawa. Agad kong hinigit si Merry. Pumikit. Niyakap ito ng mahigpit. Dinama ang buhay nitong katawan.

Akala ko... akala ko hindi ko na sya makikita pa. Nakakatakot. Agad akong napa mulat ng may maalala.

"Ang mga bata?" Parang may naka bara sa lalamunan ko na kung ano. Nag umpisang mag-init rin ang mga mata ko.

Kumawala sa yakap ang asawa. Puno ng luha ang mga mata.

"Na kina Tatay at Tiya. Walangya ka! Nag birthday ka lang balak mu na kaming iwan! Tumawag ka nga, hindi ka naman sumasagot!"

"Baby..." hinagod ko ang buhok nito ng umiiyak na sumubsob muli sa dibdib ko.
"Tapos pag uwi ko... pag uwi ko... akala ko patay ka na. Sina Cedrick at yung iba pa ganun din. Tinawagan ko agad si Scott pero hindi nya sinasagot kaya si Damon ang tinawagan ko para hingan ng tulong." Lalu pang lumakas ang pag-iyak ng asawa.

Ganun pala...

"Alam mu ba..." umayos ito ng upo, sa mismong kama, pinahidan ang basang mukha gamit ang mga kamay.
"Puro daplis lang naman ang mga tama mo. Pwera lang naman sa hita pero tatlong araw kang na tulog! Nauna pang magising sayo yung iba! Naabutan kitang naliligo sa red wine na akala ko dugo mo na. Alam mu ba ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon?! Ha?!!"

Alam kung nakakairita na ang boses ng asawa. Maingay! Masakit sa tenga! Bukod duon, masakit pa ang katawan ko pero lalo pang sumasakit dahil hinahampas pa nya ako.

Marahan kung ginagap ang mga braso nito.
"Baby--" noon biglang bumukas ang pinto.

"Boss!" Sina Lyon, Cedrick, Kris at Sept. May dalang basket ng mga prutas.

"What happend to all of us, Men?" Tanung ko sa apat pag kalabas ng doktor na tinawag ng asawa para cheak-upin ako. Umalis rin ang asawa upang sunduin ang kambal.

"Hindi namin alam, Boss." Si Cedrick. "Gaya ng sitwasyon natin, ganun din ang nangyari sa grupo nina Wallace."

"Si Shai, ang sabi nya kalalabas palang nila ng kotse nang may mga lalaking biglang dumating. Bago pa sila makakilos para sumugod may lambat daw na tumaklob sa kanila. Nakuryente sila pagkatapos. At ng magising nandun parin sila sa lugar--"

"At kayo?"
"Kung hindi kami nabuhusan ni Merry ng tubig para magising hindi ka namin maisusugod rito." Si Sept.

"Nakita ko rin doon si Boss Damon--"

"Sya ang tinawagan ni Merry ng hindi sumasagot si Wallace." Sansala ko kay Cedrick.

"Kailan ako pwedeng lumabas?"

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon