B.A.Y.W #36

212 7 1
                                    

'AY ANO BA IYAN... umalis na sila?'
Bagot na napailing nalang si Scorpion at nilibot ng tingin sa mga taong naiwan.

Unti unting silang humakbang palapit kay Scorpion. Pero dahil bagot na ang babae, ayaw na nyang makipag laro pa. Wala sa plano nya ang lahatin ang mga ito sa isang pag kakataon lang.
Mabilis nyang tinakbo ang pinto. Tinangka syang harangan nina Del Rio at Jonhson dahilan para mapahinto sya.

Agad nyang binato sa harap ng dalawa ang smoke bomb gayun din sa gawi nina O' Flannery at ng dalawa pang pinuno. Napuno ng usok ang loob ng kwarto.

"DAMN IT! WHERE'S THAT fxcking bitch!" Kulang nalang ay lumabas ang litid sa leeg ni Herrera sa galit ng mawala ang usok ng silid. Masakit at mahapdi sa mata ang usok na iyon. Lalu pat natakasan sila ng kalaban.

"kung tatayo lang talaga tayu dito hindi natin sya maaabutan!" si O' Flannery. Agad nitong tinungo ang pinto. Lumabas ng silid. Sumunod sa kanya ang apat na lalaki. May inilabas si O' Flannery na bagay na tila manipis na kawayan. Inilagay ang isang pares niyun sa hinlalaki at ang isa naman ay sa hintuturo. Pinag ugpong.

Sa ilang ulit nyang pag hugpog o pag tunog niyun ay syang dating ng ilang babae mula sa kung saan.
"hanapin nyu si Scorpion. Kailangin namin sya ng buhay" mariing utos ni O' Flannery sa mga alagad. Nag kanya kanya ng galaw ang mga ito at pumunta sa kung saan.

MARAHANG LUMAGLAG SA sahig ang tela mula sa pag kakadikit niyun sa pader ng alisin iyun ni Scorpion.
Nais nyang humgalpak ng tawa.
"Mga pulpol na pinuno." itinabi nya ang tela at lumabas ng silid matapos ayusin ang sarili. Tinahak nya ang pasilyo patungo sa ikatlong silid.

Nang may makasalubong na babae ay tinaasan nya lang ito ng kilay ng umangan sya ng hawak nitong samurai.

Agad nyang ibinato ang manipis na kutsilyo na itsurang ipit na chopstick mula sa kanyang buhok sa gawi ng kalaban. Pumingki ang kutsilyo sa samurai nito ng matamaan iyun. Mabilis syang umilag ng tangkain nitong saksakin sya. Ilag at iwas. Yun lang ang tangi nyang ginawa ngunit ng maka kuha ng tyempo ng bumukas ang sipensa nito'y agad nyang pinalo ng malakas ang batok nito. Maging ang ibang parte ng katawan kung saan pwedeng maparalisa dahil sa pressure points ay binigyan nya malalakas na patama ng suntok.
Bakit nya ginawa iyun? Para maging tuluyan ng mabalda ang babae.

Nang matapos sa pakikipag laban sa babaeng naka handusay sa sahig ay inismidan nya lang ito saka tinungo ang bukas na silid sa palapag na iyun.

"Hirap sa mayayaman eh, mag papagawa lang ng Villa. Yung sobrang laki pa! Eh mansyon na ang tawag dito!" iritado nyang isinara ang pinyo ng silid kung saan sya pumasok kanina. Binuksan ang bintana. Mula sa ilalim ng kama ay kinuha nya ang isang bari na converted armalite.

Mula sa lense ay sinipat nya ang pamilyar na puno mula sa malayo saka kinilabit ang trigger. Nang maayus na ang pag kakakabit ng dulo ng wire ay agad syang sumampa sa bintana saka nagpa slide. Agad syang bumitiw ng humito na sa pag galaw. Kahit mataas ang kinalalagyan ay di nya alintana iyun.

Tinungo nya ang makakapal na halaman. May naka tagong motor roon at malaking bag.

Kinalkal nya ang bag at nang mahagilap ang telepono ay pinag tatawagan nya ang mga kasama.

"Na saan kayo?"

"Boss, papalagpas na sa luhar mo ang Van nina Wallace." Si Chance.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon