Brutal Honesty

17.3K 392 25
                                    

CHAPTER TWO

G r e y

🎶 Twenty One Pilots, Stressed Out

I threw myself on my single bed. Now I can finally rest. Hay, ang sarap matulog 'pag malamig. Wala na ang bagyo ngunit malamig pa rin ang klima. Kagagaling ko lang sa trabaho, oras na para magpahinga. Tamang-tama at puyat ako. Nakaupo lang naman ako kanina at nagti-take ng calls, pero pagod na pagod ako. Tapos akala ng iba, paupo-upo lang kami do'n.

I heard the main door opened. Sino kaya 'yun? "Gising!" Niyugyog ako ng pinsan ko. "I just had the best day of my life!" Balita niya. Napakasaya niyang nagki-kwento, kaso hilong-hilo na ako. Mandatory overtime na naman kasi. Down ang system sa ibang sites ng kompanya kaya sa amin napunta ang lahat ng tawag.

"Pwede mamaya mo na ikwento? Pagod ako, eh," Sabi ko sa kanya, nakapikit na. "Ayos lang ba? Ang sakit kasi ng ulo ko. I cannot focus."

"Ate naman, kausapin mo 'ko!" Sigaw niya, pilit na inaabot sa akin ang aking sapatos. Pinapasuot na niya dahil aalis na daw kami. "Uy, ate Grey!"

"I need some re-"

"Eh, magpapasama po ako sa inyo. Umuwi na kasi yung mga kaklase ko at si teacher Max." Naku, saan na naman kaya ang punta namin? Hindi ko naman siya pwedeng hindian dahil iiyak siya ng iiyak kung sakaling 'di ako pumayag. "Gagamutin niyo pa itong sugat ko."

"Ano'ng nangyari dyan?"

"Nasagi po ako nung sasakyan ng iniidolo ko. Nakipagsiksikan kasi ako para makita siya ng malapitan tapos naitulak ako nung mama sa likod. Nag-beast mode po si teacher Max, baka daw po karnehin niyo siya," Paliwanag niya. Mabuti't gasgas konting gasgas lang ang nakuha nito at hindi pilay. Medyo malayu-layo pa ang bigayan ng sahod. "Okay naman po ako. 'Di na masakit."

"I'm glad you're okay now."

"Opo, pero dalian mo, ate Grey. Marami nang tao dun mamaya." Ay, akala ko nakalimot na. "Baka nga ngayon puno na ang mall."

"Ganun ba siya kasikat?"

"Quinn Ilustre? Hindi niyo po kilala?"

"Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yan. Pangalan pa nga lang nakapalandi na." Tinulak ako ni Meadow, ang pinsan ko. "Aray ko ha! Sige, I'll let you choose. Me or that Quinn?"

"Ate naman," Meadow pouts, pulling the hem of my shirt. "Para mo na din akong pinapili kung sino ang favorite ko sa We Bare Bears."

"Baby, we both know that your bias is Ice Bear."

She paused for a second before yelling, "But I love you both!"

"Aww, I'm hurt."

"Ateee!"

Nakahiga pa rin ako ngunit kailangan ko nang bumangon dahil tinapon na lahat ni Meadow ang mga gamit ko sa sahig. "Oo na, oo na," Ang sarap ng ngitian ng bata. Paano ko naman kaya tatanggihan 'yan? "...maliligo lang ako saglit. Kumalma ka lang, 'di ka rin naman makikilala nun sa sobrang dami ba naman ng tao."

"I don't need her to notice. I really just wanna see her."

"Geez, that bad?"

Stockholm Syndrome (Mature Content)Where stories live. Discover now