Public Figure

12K 348 27
                                    

CHAPTER THREE

Q u i n n

🎶 Kelis, Milkshake

Nakakabanas! Ako? Hindi ako kilala ng babaeng 'to? Duh! Hindi ba na-orient ang gaga na dapat ako ang kinababaliwan ng lahat? Letse ha, naimbiyerna ang beauty ko dahil sa kanya. Bakit naman 'di niya ako kilala? Putsa, hindi katanggap-tanggap ang pangyayaring ito. Ano ba ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi niya ako kilala? Hindi pwedeng wala, aba. Apat lang naman 'yan, eh:

A. She's blind. That's why.

Sandali, kung bulag siya, eh, di sana sinabi nitong Meadow sa akin 'yun kanina. Ah, ewan, there must be something wrong with her senses kaya naman niya ako hindi ma-recognize. Grabe, may sakit 'to! Malala!

B. She's allergic to a beautiful lady. Or something like that. I think.

Ay, siguro ito na nga ang dahilan, kasi nahimatay siya, eh. Hindi siguro niya makayanang makita ang aking kagandahan kaya naman niya piniling tumumba na lamang. Kawawang nilalang, hindi man lang magawang masilayan ang aking alindog.

C. Fan siya ni Brooke, ang aking karibal sa showbiz. Lalaban pa si gaga, 'di naman kasing-pretty ko. Asa.

Wala naman akong dapat ipaliwanag pa ukol rito dahil malinaw namang hindi updated sa showbiz ang babaeng 'to dahil baka tutok sa trabaho o pag-aaral. Ang alam ko lang, 'di siya nakakanood ng TV o kaya naman ay wala silang TV. Madala nga minsan ang mga taong 'to sa bilihan ng telebisyon at nang magkaalaman na. Siguro may isang beses lang na nakita niya si Brooke tapos nagandahan siya, well, 'yun ay bago niya makita ang aking maladiyosang hitsura.

D. Hindi siya isa sa mga natitibo sa akin.

Lahat na yata ng mga kakilala ko, nagagandahan at naaastigan pa raw sa'kin. Dios mio, kung alam lang nila na ayokong madikit sa mga kaartehan nila. At ito namang babaeng 'to, mas straight pa sa buhok kong mahaba. Sus, mukha namang madaling balikuin.

🎶 Jess Glynne, 123

Pasimple kong kinurot ang tenga ng babaeng nawalan ng malay. Kinuha ko rin ang isa sa mga mansanas na bigay ng isang fan sa babaeng 'kala mo kay ganda at 'di ako kilala. Letse ka, akala mo kung sino kang... "Putsa, ang ganda pala niya."

"She is," Bulong ng bata. She crouched, pretending like we're on a secret mission or something.

"No, I mean-" Hindi ko namalayan at lalong-lalo na, hindi napigilan ang aking mala-anghel na bunganga ang pagmumura. This girl is just too pretty, it seemed unreal. Well, she's ordinary, she can't be compared to me. She's nothing. I don't have anything to worry about. "What?" Hala, nasungitan ko tuloy itong bata. Nginitian ko na lang siya para naman makabawi. Buti na lang at dadalawa lang kaming nakarinig ng aking sinabi. "Just pretend you didn't hear that, kiddo." I pat her head. Reward. "Wait, who is this woman again? Is she your mother?"

"Pinsan ko po, si ate Grey."

"Grey." Naks, ang ganda ng pangalan. Yung labi, yung labi niya ang nakakaakit. Medyo open kasi ng kaunti, para niyang sinasabi sa aking sakmalin ko ito. I would if I could, babe, but I'm straight. "How old is she?"

"Twenty-seven," The kid says happily. "May hawig po kami, ano?" I nodded. Kung 'di lang sinabi nitong bata na magpinsan sila, iisipin ko nanay niya 'to. Maagang lumandi si ateng. "Si ate Grey po ang nag-aalaga sa akin. Lahat po ng gusto ko ibinibigay niya basta't kaya niya. Sobrang spoiled po ako sa kanya," Galak na ibinahagi sa akin ng bata. So may mga mukhang haliparot din pa lang mababait, okay. "Siya rin po ang nagpapaaral sa akin. Kayod kalabaw upang mapag-aral ako sa Scarlet Rose High sa susunod na taon."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Where stories live. Discover now