Controversies

6.3K 212 17
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

Q u i n n

🎶 3OH!3, DONTTRUSTME

"Totoo bang hiwalay na sina Quinn Ilustre at ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Gremory Pedrosa?" Sabi sa balitang pinapanood ko ngayon. Ito talagang newscaster na 'to, napakachismakerz. Usiseserang palaka, nalaman ko kasing kinulit-kulit nila si Grey nung isang araw. "Kalat ngayon sa social media ang post ng kanyang ex," Puta, cool off lang, 'di ko siya ex! Akin pa rin siya! "...na siya namang ikinasama ng loob ng kanilang mga shippers."

"She left you?" Tanong sa akin ni Kai matapos akong iwan ni Grey. We didn't break up nga, konting space lang ang hiningi ko. Ako naman talaga ang nag-inarte, hindi siya, pero si Grey ang bina-bash. "Or you told her to leave because you can't stand knowing that she lied to you?" Hindi na ako nagsalita, ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng Vanilla Ice Cream with REESE's Peanut Butter Cups. "I told you guys to talk it out, not walk out on each other."

"Where is Ice?" Tanong ko sa kanya. Napangiti ako nang makita ko si Meadow, nilalaro si Shintaro. "Himala, 'di kayo magkasama ngayon. I know naman na you two are living in each other's pants. Manyak ka rin kasi, kaya nga tayo magkaibigan, 'di ba?"

"Quiet. Yung mga bata."

"Arte mo. Bulong lang naman."

"Sinundo si tita Red, may lead na daw sila sa kung saan magsisimulang hanapin yung kapatid niyang matagal nang nawawala."

"Sana mahanap na, para naman makumpleto na ang pamilya ni tita Red, kahit na wala na ang mga magulang niya."

Inilipat ko sa kabilang estasyon ang aking pinapanood. Kami pa rin ang laman ng balita, nakakainis! "May mga bali-balitang hiwalay na nga ang makontrobersiyang magkasintahang sina Gremory Pedrosa, mas kilala bilang Grey, at ang sikat na si Quinn Ilustre. Hindi pa rin malaman ang dahilan ng kanilang hiwalayan pero dahil sa Twitter post umano ni Grey, nagkaro'n ng ideya ang kanilang fans-" Pinatay ko na ang TV, imbierna!

"Letse, nakakaputa, paulit-ulit, kawawa naman yung girlfriend ko."

Please give my girl some time to think. She's hurt. She got hurt because I lied to her, and I'm taking all the blame. Respect her privacy. Thank you.

"I saw her post; it was retweeted for how many times, kaya naman kahit burado na ito, kalat pa din."

"Kawawa naman yung baby ko."

"Ayaw niyang magbigay ng pahayag tungkol sa issue, ang lagi lang niyang sinasabi ay 'wag na 'wag kang sisihin. Kasalanan daw niya ang lahat," Wika ni Kai, habang naghahain ng pagkain. "Pizza? Coffee? Vodka? Really? Kumain ka ng totoong pagkain, may kasama ka kayang bata."

"Sa'kin 'yan. Ipinagluluto ko si Meadow."

"Mabuti naman kung gano'n." Hindi masyadong malakas ang boses ni Kai. 'Di kasi alam ni Meadow ang nangyayari. I doubt that, though, kahit pa pinagbawalan ko siyang magbukas ng social media ngayon. The kid is intelligent. "I'll tell Taylor to bring in some food. Apparently, she and baby girl had an argument. Well, not really, I think. We all know how silent and secretive she can be with her own feelings." I asked Meadow to stay in her room and bring her cousin Shintaro with her. Meadow followed, now playing with Roblox. We're all family here. "Okay, now, about Grey. Talk."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon