Rain Down On Me

4K 172 15
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

Q u i n n

"I disagree." Eksaheradang sambit ng baklang direktor. "She can't be in it. She's not a pro." Tinignan niya ang kanyang pamangkin sabay haplos pa sa braso nitong si Janna. "We need someone like these two," He's pertaining to us; my ex and I. "...and we don't need her." Ang sama ng tingin ng lahat sa mapapel na direktor. "Aba, madami akong perang isusugal dito kaya gusto ko-"

🎶 Megan Thee Stallion, Girls in the Hood

"Bakit? Magkano ka ba?" Naglabas ng tseke ang kapatid ni Gremory. Hala, beast mode si tita Red. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. "I mean... magkano ba ang isusugal mo sa pelikulang 'to at tritriplehin ko?" She placed three of her fingers on the paper at dahan-dahang itinulak ang papel papunta sa tito ni Jan. "Open cheque, honey. Name your price."

"Ate, it's fine."

"Gremory, I got this." Para namang 'di makapaniwala ang direktor sa kanyang naririnig. "I didn't like what you did to my sister. There are many ways para sabihin ng maayos ang gusto mong mangyari kaso mas gusto mo yata talagang magmagaling kaya ka nagdada-dada ng ganyan." Hinihila ni Grey ang dulo ng damit ng kanyang kapatid. Ang cute nilang dalawa, lalo na itong si Grey. Nagtatago siya sa likod ng ate niya tapos biglang magnanakaw ng tingin sa akin.

"Ate, okay lang-"

"No, Gremory, fools like this must learn how to keep their mouth shut and I'm teaching him."

Natawa ng malakas si Patch. Siya rin ang nakapagpakalma sa ate ni Grey. "O, ano, wala ka nang masabi? Masyado ka kasing ano, eh..." Pinaggitnaan ng dalawa ang punyetang nagmamagaling. "You have a point, my fellow director, but you see, having Grey in the cast will have a big impact but since she doesn't want to be in it anymore dahil sa rants mo, I'll give her this project."

"What? You can't do that!"

Patch turned to Grey, smiling. "You're a graduate of USC as a film director, right? Journalist ka na din from ScaR U." Nag-nod si Grey. Ang cute talaga niya 'pag ganyan siya. 'Yun bang parang batang clueless and scared pero dahil sa kakyutan, natutuwa ang mga tao. "Pumayag ka na. This is better than being in the cast. Nasa'yo ang lahat ng desisyon."

"Sigurado po kayo?"

"Don't worry. I'll be there to guide you."

"This is absurd!" Umalma ang isa sa mga direktor. 'Di ako nagsasalita dahil nahihiya ako kay tita Red. "I assure you, hindi magiging blockbuster ang pelikulang 'to."

"Kung pera lang ang usapan, kahit bilhin ko lahat ng tickets, walang problema," Bawi ni tita Red sabay hawak sa kamay ng kapatid. "Pero alam ko namang maraming manonood 'di lang dahil kabilang si Quinn sa cast at ang kapatid ko ang magdi-direk, kundi dahil gawa niya 'to. Sinulat niya ang lahat ng script at kanya ang buong concept ng movie. So, where are you in that story?"

"Jannary, can you believe this?!"

I'm not sure if Grey felt a little embarrassed by that o kaya naman ay natutuwa siya dahil ipinagtatanggol siya ng kanyang kapatid. "Ayokong makilala siya dahil lang sa pangalan namin. Tama lang na bigyan natin siya ng pagkakataon na makilala bilang siya at dahil sa talentong taglay niya." Sampal sa mukha ni Timothy Geron ang sinabi ng kapatid ni Gremory. "Love you, sis. I told you naman na I got your back."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Where stories live. Discover now