Barcelona Isn't That Sweet

4K 184 4
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

G r e y

🎶 Marc E. Bassy, You and Me

At nagbakasyon nga kami ni Meadow kasama si Quinn. Sa totoo lang, naiilang ako, pero may parte ring natutuwa ang puso ko. "Meadow, hold my hand. I don't wanna lose you," Medyo dama-dama ko yung sinabi ko at nakahawak din siya sa kamay ng mommy niyang maharot. "But if you want to let go, just promise me you'd still stay close, 'kay?"

"'Kay, mom."

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa Parque Güell de Barcelona. Dito kasi gustong pumunta ni Meadow dahil gustong-gusto niyang makakita ng mga gawa ni Antonius Gaudí Cornet. May pangarap yata 'tong maging architect gaya ng tita Kai niya. "Let's go to Casa Batlló next."

"Sige po. Anywhere with the both of you," Sagot sa akin ng bata. Pro-Quinn talaga siya ever since, ang obvious. "Pero kain po muna tayo. I'm hungry," Ika niya, kaya naman naghanap na kami ng makakainan. "Gutom ka na, mommy Kyo?"

"Ah, medyo. Sige, kain na tayo." She fixed our baby's jacket, zipping her up. "Aren't you gonna ask your mom, too?"

"Ah, yes. Mommy, gutom ka na?" I just nodded, smiling down at her. "Yay!"

Meadow decided to eat at a restaurant just down the hill, pinapili siya ni Quinn. Galing na kasi siya dito nang mag-tour siya. We ordered paella and sangria. The view from the balcony was really nice. Maganda rin ng view ko mula sa aking kinauupuan dahil kaharap ko lang si Quinn. "Mommy, kelan po kaya kayo ulit mag-uusap?"

"Meadow..." Saway ni Quinn. Napakatahimik yata niya ngayon. Milagro. This is unusual. Not perky and horny at all. Weird.

I shook my head and then looked away. Hindi ko kasi alam kung ano'ng mura at masasakit na salita ang bibitawan ko kay Quinn kung sakali mang makapag-usap kami. "Kasi mommy, uuwi na tayo bukas. Ilang araw na tayo dito, pero 'di rin naman pala kayo magkaka-ayos. Sana pala nag-birthday na lang ako sa bahay. Kaya lang naman kasi ako nag-aya dito kasi sabi sa journal ni mommy Grey, pangarap daw niyang mahalikan sa harap ng La Sagrada Família. Stranger's kiss pa ang nais ni mommy," Palihim na tumawa si Quinn sa kanyang narinig. "'Di ba po?"

"Eh, hindi naman stranger ang mommy mo sa akin, anak," Tumingin ako sa gawi kung saan siya nakatayo pero hindi ko siya tinignan directly. "We were friends... before, I think." With benefits, yep. That's it. Ano, makatingin ka, Quinn, ha? Walang ganyanan. I could've sworn I saw her grinning. Ugh, that face? So fucking irresistible!

"Meadow, don't force your mom to do the things-" Ulat ni Quinn habang kinukunan ang litrato ng napakagandang simbahan. Taong 1882 pa sinimulan ang konstraksyon ng simbahang ito ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ito natatapos. Hay, naku! Baka matapos na nila ang simbahan, hindi pa rin ako nakaka-move on sa babaeng 'to.

"Since we're standing in front of the church, and the both of you are close as strangers, why don't you let mommy Quinn kiss you?" Gustuhin ko man, anak, kaso hindi pwede. Baka kasi lumaki ang ulo ng nanay mong lumandi ng iba kapag ginawa ko 'yun. Ang taas pa naman ng pride nyan, abot langit. "You wouldn't want me being sad, right?"

Quinn knelt down after taking a selfie. Napapatingin ang mga Pinoy na dumadaan. Hanggang dito kasi marami siyang fans. "Anak, okay lang 'yan. Malay mo, isang araw, mangyari 'yun. 'Di natin alam," Napatingin siya sa akin sabay kindat. Akala ko lalandiin niya ako right after pero hindi. "Let's go back to the hotel, shall we?"

Stockholm Syndrome (Mature Content)Where stories live. Discover now