Play with Fire

5.5K 208 11
                                    

Writer's Note:
This is your trigger warning for violence, sex, and tons of cussing involved. You may skip this part if you're not comfortable.

CHAPTER THIRTY-ONE

G r e y

Naglalakad ng pabalik-balik si Liandro habang tinitignan ang litrato ni Quinn sa kanyang kalendaryo na siya namang nakadikit sa kanyang dingding. "Napakaganda ng hubog ng katawan ng ex ko, ano? Naalala ko, hindi ka naman ganyan dati. Nauto ka rin nito?"

"Panlabas na anyo lang talaga ang tinitignan mo, ano?" Pumalatak ako sabay sabing, "Hindi ka naman ubod ng gwapo. Pogi lang yung bulsa, kaya sige, I'll give you that."

"Ako ang ideal husband ni Quinn."

"She was seduced and led on by you, asshole."

Nandiri ako ng kanyang haplusin ang aking pisngi. "Ang ganda mo talaga. Kayo pa rin ba nung amboy na anak ng pokpok?" Si Seth ang kanyang tinutukoy. Alam nito ang background naming magkakaibigan. "Kung wala lang sana sa eksena ang gagong 'yun, baka ikaw ang naanakan ko at 'di yung syota mong kaladkarin."

With all my anger and hatred, "Gago ka," I gave this asshole in front of me a raging straight punch. "Hindi talaga basehan ang pera sa class, ano? Basura, 'tang ina."

"Bakit? Hindi ba?" Tanong nito habang inaayos ang kanyang panga. "Alam mo ba kung paano ko siya nakilala? Hah?"

"Wala akong pake!"

"Magsama kayong dalawa. Pagkatapos mo, siya naman ang kukunin ko."

"Nakilala mo siya sa club, isa siyang waitress noon at-"

Tumawa ng malakas na malakas si Liandro. Lalo akong nagalit sa kanya. Gigil na gigil na ako. "'Yan ba ang kwinento ng syota mong bayaran?" Nagulat ako. Dahan-dahan akong nilapitan ni Liandro. "Nabili ko ang babaeng 'yan sa halagang sampung libo."

"Kasinungalingan-"

Sasampalin ko dapat siya ulit pero nasalo niya ang aking kamay. Ako naman ngayon ang nasaktan. Lumagatok ang aking mukha nang ako'y kanyang suntukin. "Alam mo na kung bakit ikaw ang gusto kong makuha noong mga panahong iyon, Grey?" Muli niya akong sinuntok sa mukha at sa tiyan. Hindi ako makahinga. "Dahil bago ako, napakarami nang nagdaan kay Quinn. Kumbaga sa isda, luma na pero tinitinda pa rin."

"Manahimik ka!"

Dinuraan ko siya sa mukha. "Aba, matapang ka talaga. Gusto ko 'yan. Lalong nagagalit ang titi ko 'pag ganyan." Pilit akong kumakawala upang makabawi ngunit hindi kinaya. Sobrang sakit na ng aking katawan, lalo na ang aking ulo. "Bakit hindi ka na lang sumama sa akin, Grey?"

"Mas gusto ko na lang mamatay, Liandro, pero 'wag kang mag-alala, isusunod ka ng kapatid ko."

"Yung doktor ba ang tinutukoy mo? Ipinagmamalaki mo yang mga kaibigan mong miyembro ng mafia?" Kahit anong halakhak ang gawin nito, halatang nakaramdam siya ng takot. That's a good sign.

"Pa'no mo nalaman ang tungkol sa kapatid ko?"

"Hindi lang kayo ang may koneksyon."

"Noong dinukot niyo 'ko, doon ko na rin nalaman na matagal na pala akong hinahanap ng kapatid ko." Hindi man lang kami nagkaabutan. 'Di gaya ng sabi sa balita, nasa paliparan na kami ng ako'y biglang higlatin at isinakay sa isang SUV. "I'm sure they're looking for you now."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon