Pleasure Over Pain

8.7K 240 11
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

G r e y

"Bakit ka sumama sa babaeng 'yun?!" Kanina pa niya tinatanong 'yan sa'kin, pagkaalis na pagkaalis pa lang namin sa lugar. Nasa sasakyan pa rin kami ngayon. "Hoy!" Hindi talaga mapakali itong babaeng 'to. "Bakit ba 'di ka sumasagot? Pansinin mo 'ko!"

"Quinn, stop yelling at her."

"Shiloh, not now."

Susunod naman talaga dapat ako sa set nila, kaso baka may makita na naman akong something na dudurog sa heart-heart ko. Ayoko ring gamitin yung magara niyang kotse dahil kahit kami na, nahihiya pa rin akong gamitin ang mga gamit niya, kaya naman naglakad-lakad na lang ako. "Grey, ano ba?!"

Malapit na kami ngayon sa aming tinutuluyan. Isa 'to sa mga bahay ni Kai. Tumira siya dito noong naglayas siya sa kanila. Maliit lang siya, tama lang para sa dalawang tao. Kaunti lang ang espasyo ng bahay ngunit napakaganda ng mga gamit sa loob. Napakalaki rin ng telebisyon na nakasabit sa pader, mahilig daw kasi siyang manood. Ang paborito kong parte ay ang attic. Kitang-kita ang magandang tanawin sa labas. Siya ang nagdisenyo ng bahay na 'to, at si Ice ang kanyang inhinyero. Ni-renovate nila 'to nang magbalikan sila.

Dumiretso ako sa attic, 'di pa rin pinapansin si Quinn. "Bakit parang ikaw pa 'tong galit?! Ikaw na nga 'tong may kasalanan, ako pa ang mang-aamo sa'yo?!" Tinignan ko siya ng masama, dinadaan-daanan lang. "Ba't ganyan ka makatingin? Hah?"

Napakamanhid talaga, nakalimutan na yata niya ang mga nagawa niyang kasalanan sa akin. Hmm, sabagay, 'di kasi ako nagsasabi ng sama ng loob. Kinikimkim ko lahat ng galit tsaka ko lulunukin ang lintik na pride na 'yan. Lahat ng 'yun ay para sa kanya. Ayaw ko kasi siyang masaktan, pero siya, hindi niya alam na nasasaktan niya ako ng sobra. Ang masakit lang, parang wala siyang kaide-ideya.

"Do you like her, Grey?!" Ano ba naman 'yan? Like agad? "Gusto mo ba si Brooke?" Hindi ko nga kilala yung tao. Kanina ko lang nalaman na siya pala si Brooke Mensalvas nang magsimulang magsisigaw ang kanyang mga fans. Ang simple niya at ang bait pa. Magaling din siyang magpatawa, napangiti nga niya ako, eh. "Crush mo ba siya? Hoy, sagot!"

"Crush?" Ewan ko kung matatawa ako o kaya naman ay maiinis. "Para kang bata," Sabi ko sa kanya, natatawa pa din. "Ano'ng crush? 'Di na uso 'yun sa edad natin."

"Wala sa edad 'yon!"

"Tigilan mo ang kakasigaw, kanina ka pa."

"Eh, ano ba'ng pake mo? Nagseselos ako, malamang magpapaka-childish ako, dahil gusto kong lambingin mo ako!" Ayun naman pala, eh. Ano ba'ng mahirap sa pag-aming nagseselos ka rin pala? Pero hindi. 'Di muna ako bibigay. Kailangang matuto muna siya bago ako makipagbati. Minsan na nga lang ako mag-inarte ng bonggang-bongga, eh di susulitin ko na. "Halika rito!"

"Quinn, please..."

"I said come here, Gremory!"

"Quit using that tone with me."

Pagpasok ko ng banyo, "Maliligo kang mag-isa? 'Di mo man lang ako tawagin? Lagi kaya tayong sabay maligo!" 'Di ko na lang siya binigyan ng pansin. Ipinagpatuloy ko ang aking pagligo. Nakatayo lang siya sa pinto habang ako'y kanyang pinagmamasdan. "Nakasama mo lang yung bwisit na babaeng 'yun, parang ayaw mo na sa'kin. Mahal mo kaya ako!"

"Oo nga."

"O, naman pala!" Ika nito, may relief sa tono ng boses. Natatawa ako sa mga linyahan niya. Malayong-malayo sa mga ginagampanan niyang mga papel sa pelikula. "Bakit 'di mo pa ako lambingin?! Lapitan mo na ako, dali."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Where stories live. Discover now