Abuso

13.9K 284 11
                                    

Magandang araw guys! Ito na po ang Chapter Three ng I Remember the Boy. Hope magustuhan ninyo.

Picture of Mike on the right>>>>> 

Song is Hero by Enrique Iglesias

=============================================================================

CHAPTER THREE

Arnold's POV

Lumipas ang mga araw, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din makita ang lalaking gumugulo sa isip ko, makakatulong sana kung nakuha ko ang pangalan niya, pero wala eh.

Katulad nang mga nakaraang araw ay bigo pa din akong mahanap ang taong iyon, kaya naman bigo akong dumiretso sa locker room na nasa loob mismo ng gym, agad akong nagpalit basketball uniform para practice namin nang araw na iyon, sobra kasi talagang determinado ni coach na makuha muli namin ang championship.

"Nga pala Arnold, kamusta ang bakasyo?" tanong ni Reynald na siyang captain nang team.

"Masaya naman, nagpunta kami sa Coron sa Palawan." sagot ko naman dito, habang abala sa pagsisintas ng sapatos ko.

Matapos nga ang ilang minuto ay nagsimula na ang practice namin, we started with the usual warm up.

"Gather team!" ang tawag ni Coach Ravena, matapos naming makapagwarm up. Agad naman kaming lumapit dito.

"Team, mas malakas ang team natin ngayon, and I'm pretty sure na magagawa natin maiwui ang kampyonato ngayong taon." tiwala nitong sinabi.

Lahat halos ng kateam ko ay kasundo ko, kahit na nga ba medyo bago bago pa lang ako sa team ay wala naman akong naging problema, well maliban sa isa at iyon ay si Mike.

Senior ko si Mike at simula pa lang nang sumali ako sa team last year ay naramdaman ko nang asar ito sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala naman kasi akong naalala na may nagawa akong masama dito.

"Guys, we're going to split the team into two, freshmen and sophomores versus juniors and seniors." utos naman ni coach.

Kahit na practice game lang ay halata ang kaseryosohan nang dalawang team. Both team are determine to win, it only shows how serious we are in this practice.

Nagpatuloy ang practice game, hanggang sa umabot na sa last twenty seconds, tabla ang score sa seventy five, sakto naman na nasa amin ang ball possession. Dalawa ang nagbabantay sa akin, kaya naman hirap ang mga kateam ko na pasahan ako ng bola.

"Shit!" sa loob loob ko nang makita kong pumalo na sa last ten seconds ang oras, agad ko naman napansin na libre si Larry.

"Louie pass the ball to Larry." pasigaw kong utos dito, pinilit kong makaalis sa dalawang nagbabantay papunta sa ilalim ng ring.

Agad naman shinoot ni Larry ang bola, pagkapasang pagkapasa pa lang sa kanya, lahat halos ng tao sa gym ay naghihintay kung papasok ba ito o hindi, ngunit sa kamalas malasan ay sumablay ito, lahat ay naniniwalang mauuwi sa overtime ang laro, but just like a hero, I was able to get the lose ball and dunk it to the ring, maririnig ang sigawan sa paligid sa nangyari and with that we won the game. Seventy seven - seventy five.

Nakatanggap naman ako ng batok at palo mula sa teammates ko na tinawanan ko lang. Minabuti kong lapitan si Mike. 

"Great game." nakangiti kong bati dito, nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sana dito, ngunit naghintay lang ako sa wala, nang tignan lang ako nito nang masama at agad nang umalis.

Pinagkibit balikat ko na lang ang inasal ni Mike, dahil sanay na din naman ako sa ugali nito. Agad naman akong dumiretso sa iba kong teammates para makapagcelebrate kasama ang mga ito. Kita ko naman na satisfied si coach sa naging performance nang parehong koponan, kaya agad na nitong tinapos ang practice.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon