Mali Itong Nararamdaman Ko

10.9K 221 11
                                    

Yehey Panalo Ginebra kagabi and so happy about it!!! Long live the Never Say Die spirit!!

Hi guys in this chapter makakaramdam si Arnold na sa palagay niya ay mali, paano niya kaya ihahandle ang damdamin na ito? Paano kaya nito maapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Jake. 

Finally makikita niyo ulit si Larry Samonte in this chapter, malaki ang pinagdadaanan niya about something.

Picture of Larry Samonte on the right=========>>>>

Song is I Hope That I Don't Fall In Love With You By Marc Cohn

===============================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Arnold's POV

"Hindi ito puwede!" hinihingal akong napabalikwas nang pagkakahiga nang magising ako kinabukasan.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang maalala ko ang napanaginipan ko. Sa panaginip ko kasi ay magkatabi kaming dalawa ni Jake sa iisang kama, ok lang naman sana na magkatabi kami, dahil kahit ang ilan sa mga kaibigan ko ay nakakatabi ko din sa pagtulog, ang mali nga lang ay ang bagay na ginawa namin sa panaginip, mga bagay na dapat ginagawa ko lang sa isang babae, hindi sa katulad ko na lalaki. It doesn't make sense lalo na't alam ko sa sarili ko na straight ako. Pero sabi nila kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip sa katotohanan kaya matapos ang ilang sandali ay pinakalma ko na ang sarili ko at pinagkibit balikat ko na lang iyon.

Sandali kong pinasadahan ng tingin ang alarm clock na nasa sidetable at napansin ko ngang alas cinco pa lang nang umaga, masyado pang maaga, pero minabuti ko nang bumangon na din at dumiretso sa banyo na nasa mismong kuwarto ko.

"What the hell?!" gulat na gulat kong naibulalas nang may mapansin ako sa harapan ng boxer shorts ko, agad kong kinapa ang tila basang naroon, at naramdaman ko ang tila malagkit na likido na nandoon.

"Shit! Did I just have a wet dream?" hindi ako makapaniwala sa bagay na iyon, the last time I had a wet dream was when I was still in sixth grade at ang masama ay dahil iyon sa panaginip ko kay Jake.

"No..... hindi ito maaari. This is impossible! For crying out loud we're both men at hindi maaring mangyari ito. There is no way........ unless....." napipipilan kong sinabi sa sarili ko, agad ko naman inalis sa isip ko ang dapat na kasunod na unless na sinabi ko. Arnold Saavedra is not gay! He's straighter than a ruler, I am straight!

Minabuti ko na lang maagang maligo, baka maalis non ang gumugulo sa isip ko. I went straight to my bathroom and tossed my soiled boxer shorts on the laundry basket. Agad kong tinapat ang sarili ko sa dutsa nang tubig na nanggagaling sa shower.

Agad ko namang naramdaman ang lamig na nanggagaling sa tubig na dumadaloy sa hubad kong katawan, kahit paano ay nakatulong iyon para mabawasan ang init na nararamdaman ko, at kahit paano ay nalalayo nito ang isip ko sa napanaginipan ko kanina. Pinilit kong alisin sa isipan ko ang weird na nararamdaman ko kay Jake, ngunit sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay tila naman nananadya na ang maamong mukha pa din ni Jake ang nakikita ko, his innocent eyes, his sexy red lips na para bang ang sarap halikan. Muling nanumbalik sa akin ang tila kuryente na dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga kamay namin nang manood kami ng sine. Hindi ko namalayan nang kusang kumilos ang kamay ko patungo sa pagkalalaki ko.

"Shit! Shit! Shit!" ang paulit ulit na lumabas sa bibig ko nang marealized ko ang ginagawa ko, I was actually pleasuring myself while thinking about Jake. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na magrereact nang ganoon ang pagkalalaki ko ng dahil kay Jake. Agad kong tinapos ang paliligo kong iyon, mahirap na at baka kung ano na naman ang magawa ko.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon