Admin Hearing

10.9K 257 9
                                    

Hi guys! Sorry kung hindi ko naituloy sa previous chapter ang admin hearing, nagdecide kasi akong ilagay ito sa chapter seve.

Currently listening to PPop Himig Handog 2013 album.....

Picture of Arnold Saavedra on the right========>>>>>

Song is Never Say Never by the Fray

==============================================================================

CHAPTER SEVEN

Arnold's POV

I guess meddling in someone else's business have it's price to pay, pero kahit ganoon ay hinding hindi ako nagsisisi na iniligtas ko si Jake, at masipa man ako sa university na ito ay ok lang sa akin, madami pa namang school akong puwedeng mapasukan, hindi ko lang talaga mapapalagpas ang ginawang kahayupan ni Professor Castro kay Jake.

Kaya naman nandito ako ngayon sa office ni Chancellor Sy, naririnig kong madaming tao sa labas na curious kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa loob.

Agad naman dumako ang tingin ko kay sa demonyong si Castro, sobrang pagpipigil ang ginawa ko para matanggal ang palihim nitong pag-ismid sa akin, kailangan kong magtimpi bilang paggalang na din kay Chancellor.

Kitang kita ko ang pasa at bugbog sa buong katawan nito na halatang pinapakita pa lalo para mas lalo akong mapahamak, pakiramdam ko nga kulang pa ang ginawa ko dito. Diretsong diretso itong nakaupo habang kinukuwento nito ang side ng story na ito na puro kasinungalingan.

"I don't know what has gotten into this boy sir, tahimik lang naman ako, papunta na sana ako sa kotse ko nang lapitan ako nito at basta na lang akong binugbog. I mean wala naman akong ginagawang masama at wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako sinaktan." painosente nitong pagkukuwento, para itong santo habang kaharap si Chancellor.

Napapailing na napabuga lang ako ng hangin sa mga kasinungalingan na pinagsasabi nito, at muli ay sobrang pagpipigil ang kinailangan ko para hindi muli ito banatan. 

"The nerve!" sa loob loob ko habang nakikinig dito.

Tahimik lang na nakikinig si Chancellor sa kuwento nito, masasabi kong talagang tinatantiya nito ang magiging desisyon nito.

Minabuti kong ituon ang atensyon ko sa paligid imbes na pakinggan ang demonyong ito, maliban sa aming tatlo ay may dalawa pa kaming mga kasama.

Nasa loob din kasi si Jane na secretary ni Chancellor at si Ron na student president sa school, si Ron din ang tumatayo kong abogado sa admin hearing na iyon.

Sandaling nagkasalubong ang mga mata namin ni Ron at hindi ko mapigilang hindi mangiti nang magtama ang mga mata namin, kita ko ang pagpipigil nitong mangiti dahil gusto nitong iproject ang seryoso nitong itsura.

"Ok. Narinig ko na ang side ni Professor Castro, gusto ko naman marinig ang side mo Mr. Saavedra. Tell me a valid reason why did you beat Professor Castro." baling naman sa akin ni Chancellor.

Nanatili lang na pinid ang bibig ko sa tanong nito, wala akong pakialam sa kung ano man ang iniisip sa akin ng mga tao, ayokong may makaalam sa nangyari kay Jake, gusto ko siyang protektahan sa mga taong manghuhusga sa kanya, kapag lumabas ang katotohan.

Sobrang dami na nang nangyari kay Jake, hindi ko alam kung makakaya pa niya kung sakaling alipustahin siya ng iba, mas mabuting ako na lang ang maparusahan kaysa mas lalo siyang mapahamak.

Muli ay nakita ko ang lihim na pagngiti ni Professor Castro sa pananahimik ko, bigla tuloy akong natakot, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kapakanan ni Jake.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon