Stay Away From My Son

8.9K 210 18
                                    

Nakauwi na galing Paris si Beverly Saavedra how will her presence affect Arnold and Jake's relationship... 

Picture of Beverly Saavedra on the right=========>>>>>>

Song is I can't Find the Words to Say Goodbye by Bread

===============================================================================

CHAPTER TWENTY-TWO

Arnold's POV

Labis ang pagkagulat ko nang datnan ko si Mommy sa condo unit ko, lalo na't hindi naman ito nagsabi na uuwi ito ngayon.

"Ikaw pala yan Mom, pinakaba mo naman ako." biro ko dito, ngunit hindi man lang ito nangiti bagkus ay mas lalo pa itong sumeryoso.

"Arnold we need to talk." seryoso nitong sinabi.

Minabuti kong ibaba muna ang mga dala ko, bago umupo sa bakanteng silya na nakaharap dito, hinintay ko na magsalita ito, ngunit nanatili lang itong nakatingin ng seryoso akin.

Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Mommy, madalas kasi ay lagi itong nakangiti, kaya naman hindi ka maiilang na lapitan ito.

"May problema po ba sa naging punta ninyo sa Paris?" tanong ko dito nang hindi na ako makatiis.

Imbes na sagutin ay may kinuha itong bagay sa dala nitong bag, at agad iyong inabot sa akin, halos halos mawalan ako nang kulay nang makita ko kung ano ang laman nang binigay nito.

Iyon mismo ang larawan na kumalat sa buong school, kaya naman nila kung ano ang relasyon ko kay Jake. Hindi ko alam kung paano napunta kay Mom ang larawan na iyon.

"Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nasa larawan na iyan." malamig nitong sinabi.

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi nito, hindi ko naman kasi lubos akalain na makakarating kay Mommy ang larawan namin ni Jake, sa totoo nga lang ay plano ko naman talagang ipakilala dito ang boyfriend, pero hindi sa ganitong paraan.

Nagpakawala muna akong isang malalim na paghinga bago ko sinimulang magpaliwanag. I decided to tell her everything.

"The man in the photo is my boyfriend, siya ang taong mahal ko." paliwanag ko, umaasa akong matatanggap nito ang relasyon namin ni Jake, pero base sa galit sa mukha nito ay masasabi kong hindi nito tanggap ang relasyon namin ni Jake.

"For heaven's sake Arnold! Sandali lang akong nawala at sinisira mo na agad ang buhay mo. Paano mong nagawa ang bagay na ito? How could you do this.... to me?" bahagyang gumaralgal ang boses nito sa emosyong pilit nitong tinatago, parang madudurog ang puso ko sa nakikita kong sakit na naidulot ng pagtatapat ko dito.

Nasasaktan ako na makitang umiiyak si Mom, mahal na mahal ko na siya na hindi ko kayang makita itong nasasaktan nang ganito.

Agad ko itong nilapitan at mahigpit ko siyang kinulong sa mga braso ko. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.

"God knows how much I love you Mom, at hindi ko kayang makitang nasasaktan ka nang ganito, I'm sorry kung sinunod ko ang puso ko." malungkot kong sinabi dito.

Bigla itong kumalas sa pagkakayakap ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. I can see determination behind her eyes.

"It's not too late Arnold, we can still fix it! Hiwalayan mo na ang lalaking iyon." nagulat naman ako sa gusto nitong mangyari, hindi ko kakayanin na makipaghiwalay kay Jake. 

"Mom, there's nothing to fix, wala namang nasira eh, mahal ko kayo, pero mahal ko din si Jake. Please Mom..... don't ask me for something na hindi ko kayang gawin." puno nang pagsusumamo kong pakiusap dito, umaasa akong maramdaman nito na totoo ang nararamdaman ko kay Jake, na talagang mahal ko si Jake.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon