Blame It On Me

10.4K 234 13
                                    

Hi guys! Kind of  excited about Jake and Arnold's confrontation sino kaya sa kanila ang unang susuko?

Picture of Arnold Saavedra on the right=============>>>>>>

Song is Blame by Tiago Iorc

===============================================================================

CHAPTER TWELVE 

Arnold's POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa gusto nitong mangyari, sa buong duration na magkasama kami nito buong akala ko talaga binaba na nito ang depensang nakapalibot dito, iyon naman pala ang hindi pa din nawawala sa isip nito na tuluyan akong lumayo dito.

Matiin naman akong nakatingin sa walang kaemosyon emosyon nitong mukha, gusto ko kasing makakita nang kaunting pag-asa, umaasa akong makita kong magbabago pa ang desisyon nito.

Akma itong bababa na nang awtomatiko namang kumilos ang kamay ko para pigilan siyang makababa, hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot na kapag hinayaan ko siyang umalis ay tuluyan na itong mawawala sa akin.

"So ibig ba nitong sabihin ay nagpapanggap ka lang na naeenjoy mo ang pamamasyal natin kanina, at kaya ka pumayag sa gusto ko ay umaasa kang lalayo ako talaga sayo?" hindi ko pa din mapaniwalaang tanong dito.

"No Arnold, totoong na enjoy ko ang pamamasyal nating iyon, pero desidido na talaga ako." malamig pa nitong sagot sa akin.

Sobrang lalim nang ginawa kong paghinga, sobra kasing pagpipigil ang ginawa ko para hindi umalpas ang inis na nararamdaman ko, ramdam ko na din na ilang minuto na lang ay sasaboh na talaga ako.

"Nangako ka sa akin Arnold. Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mong iyon." pagpapatuloy nito, mas lalong nagpatig ang tenga sa kasunod nitong sinabi.

"It's for the best, believe me." doon na sumabog ang nararamdaman ko.

"That's bullshit Jake! Paanong for the best ang gusto mong mangyari?!" hindi ko na napigilan mapamura sa huling sinabi nito, halata naman na nabigla ito sa sudden outburst ko, kaya naman huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang damdamin ko, ayoko naman na matakot ito sa akin.

"Magkaibang magkaiba tayo Arnold at alam ko naman kung saan ako dapat lumugar, kaya nga dapat mo na akong layuan." saka lang narealized kung anong pinanggagalingan nito.

"Jake believe me when I say na simpleng tao lang ako, katulad lang ako ng iba, gusto kong makipagkaibigan kagaya ng iba, gusto kong makipagkaibigan sayo." paliwanag ko dito.

"I'm sorry Arnold, pero gaya nang sinabi ko sayo ay buo na ang desisyon ko." mapait itong napangiti habang sinasabi ang bagay na iyon, hinatak naman nito ang brasong hawak ko pa.

"Alam mo ba kung ano ang hindi ko naiintindihan?" nakatingin ako sa likod nito, natigilan naman ito sa tuluyan nitong pagbaba sa kotse.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ka tumatakbo sa isang bagay na alam naman nating pareho na gusto mo?" litong lito na ako dahil kahit ano pang sabihin niyo ay alam ko at nararamdaman ko na gusto ako nitong maging kaibigan.

"Mali ka sa iniisip mo Arnold, hindi lahat ng bagay ay tungkol sa iyo, desisyon ko na layuan ka." umiiling pa din nitong sagot.

"Alam mo kung ano ka Jake? Isa kang duwag, duwag ka Jake!" sagot ko naman dito.

Sa wakas ay humarap din ito sa akin, at natigilan naman ako nang makita ko ang mga luhang malayang dumadaloy sa mga mata nito.

"Tama ka Arnold, duwag ako, natatakot akong maging dahilan nang kapahamakan mo, lahat ng tao na gustong makipaglapit sa akin ay laging napapahamak, muntik ka nang matanggal sa school dahil sa pagtulong mo sa akin at hindi ko na kayang madamay ka pa sa kamalasan na meron sa akin." patuloy na lumuluha nitong paliwanag.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon