I Love Him

10.7K 233 37
                                    

Hi guys just got home from work and kabado deliveration na papasa kaya ako??? Sana naman, sana lahat kami....

Thanks Rugene like that Jakesexual hehe

Picture of Arnold on the right===========>>>>>

Song is I Love You by Celine Dion

===============================================================================

CHAPTER EIGHTEEN

Arnold's POV

We won! Sobrang saya nang lahat dahil ang ibig sabihin noon ay uusad kami sa quarterfinals, kahit nanalo ay parang kulang ang sayang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, na para bang may hinahanap ako.

It all started nang simulan kong iwasan si Jake, nagdecide kasi akong lumayo na muna habang hindi ko pa nahahanap ang sagot sa mga nangyayari sa akin, sa mga damdamin na umuusbong sa puso ko sa paglalapit naming iyon ni Jake.

Muli kong tinignan ang puwesto kung saan ko nakita si Jake kanina, pero wala na ito doon, muli ay naramdaman ko ang kahungkagan sa dibdib ko.

Aminin ko man o hindi ay tuluyan na akong nahulog kay Jake, hindi ko nga alam kung love na ba ang nararamdaman ko dito. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman ko para dito, ang tanging alam ko lang ay hindi tama ang nararamdaman kong ito, we're supposed to be friends, just friends, at maliban pa doon ay pareho kaming lalaki.

Kaya naman nagdecide akong layuan muna ito, umaasa kasi akong mawala ang nararamdaman ko dito, kahit na mahirap kahit na maski ako ay nasasaktan. Mas lalong masakit dahil alam kong nasasaktan ko ang taong mahal ko.

Minabuti ko na munang magshower na muna, at matapos nga noon ay sabay-sabay na kaming lumabas nang mga teammates ko, gaya nang inaasahan ay dinumog kami ng mga schoolmates namin, mas nagulat ako nang may isang babaeng basta na lang humalik sa akin, agad naman akong lumayo dito, for some reason ay may naramdaman akong nakatingin kaya nakaramdam ako nang guilt na para bang may pinagtaksilan ako.

Matagal tagal din bago tuluyan akong nakatakas sa mga ito, agad akong dumiretso sa parking lot, dahil gustong gusto ko na talagang makauwi at makapagpahinga.

I was starting my bike, when I noticed a figure walking towards me, nagulat ako nang tuluyan na itong makalapit.

"Jake ikaw pala yan, anong ginagawa mo dito?" katulad nang mga nakaraang araw ay sadya kong iniwas ang paningin ko dito, natatakot kasi akong makita nito ang totoong nararamdaman ko dito.

"Pu...puwede ba tayong mag-usap?" narinig kong tanong nito, ramdam ko ang insecurity sa boses nito, at labis akong nasasaktan dahil ako ang dahilan nang insecurity nito.

"Sorry Jake puwede bang next time na lang, may importante kasi akong gagawin." sagot ko dito, sa totoo lang gustong gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, at nararamdaman ko na konting konti na lang ay hindi ko na makakayanang magpigil.

"Please tell me Arnold...... ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" ramdam na ramdam ko ang panginginig sa boses nito. Minabuti kong bumaba na muna ng bike ko at labis na pag-aalala ang naramdaman ko nang makita ko sakit sa mukha nito.

"Ano bang iniiisip mo Jake, of course I still want to be your friend." sagot dito, unti unti akong lumapit dito.

"Kung ganoon, bakit mo ako iniiwasan? Please tell me, may nagawa ba akong kasalanan, kung meron man patawarin mo ako, parang awa mo na huwag mo naman akong iwasan." mas lalong nadurog ang puso ko sa ginawa nitong pagmamakaawa habang patuloy ang luha sa mga mata nito.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon