Our Real First Night

10.4K 234 17
                                    

Hi guys just got home, medyo kinakabahan kung pasado ba or hindi....

Thanks nga pala sa patuloy na pagsuporta, this chapter is dedicated to Sinblake Happy Birthday dude :-)

Para sa naghihintay ng intimate scene ng story between Arnold and Jake, ito na po siya (warning: sexual content)

Picture of Jake Angelo on the right==========>>>>>>

Song is Habang Atin ang Gabi by South Boarder

===============================================================================

CHAPTER TWENTY-THREE

Jake's POV

Kanina pa nakaalis ang Mommy ni Arnold, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko, muli ay nakaramdaman na naman ako ng pagiging unwanted.

Tama naman ito, madami pang mga tao ang manghuhugas sa relasyon namin ni Arnold, hindi ako makakapayag na danasis ni Arnold ang kaparehong paghihirap na naranasan ko sa ibang tao, maliban pa doon ay hindi kakayanin ng konsesya ko na patuloy na hindi maging maayos ang relasyon ni Arnold sa Mommy niya, lalo na't alam ko kung gaano kaclose ang dalawa.

Sobrang daming bagay ang tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon, ni hindi ko nga narinig ang pagtawag sa akin ni Ma'am Rose at kung hindi pa ako nito hinawakan ay hindi ko ito mapapansin.

"Jake ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Ok lang po ako Ma'am Rose. Salamat po." sagot ko dito nang may pilit na ngiti sa labi, minabuti ko nang bumalik sa trabaho matapos non.

Lumipas ang mga oras na hindi ko man lang namamalayan, tila ako desusing robot na sunud-sunuran na lamang. Hindi ko magawang magfocus sa mga ginagawa ko, dahil patuloy pa din naglalaro sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng Mom ni Arnold.

Mabigat man sa loob ko ay napagdesisyunan kong makipaghiwalay na kay Arnold, gagawin ko ito para sa kapakanan niya. Minabuti kong gawin na ngayon ang balak kong iyon kaysa ipagpabukas pa, baka mas lalo lang akong mahirapan kapag nangyari iyon.

Sobrang bigat nang mga paa ko habang naglalakad pauwi nang matapos ang shift ko sa trabaho. Hindi ko alam kung makakayanan ko ba na itago ang totoo kong damdamin kapag sinabi ko na dito ang kasinungalingan na nabuo ko sa buong maghapon na iyon.

Sa wakas ay nakarating na ako sa tinutuluyan naming kuwarto, nadatnan ko naman si Arnold na abalang abala sa paghahanda nang hapunan namin, kitang kita ko ang saya nito habang ginagawa ang mga bagay na iyon.

Ganoon talaga siguro, kapag mahal na mahal mo ang isang tao, masaya ka na pagsilbihan ito sa abot nang makakaya mo. Gagawin mo ang lahat para mapasaya mo ang taong mahal mo.

Kung mabibigyan lang sana ako nang pagkakataon ay gusto ko din itong pagsilbihan habang buhay, pero alam ko naman na malabo nang mangyari iyon, kapag natapos na ang gabi ay hinding hindi na kami magkakasama pa.

"Nandiyan ka na pala Jake, tamang tama ang dating mo. Handa na ang hapunan natin." nakangiting ayaw nito, inakay pa ako nito hanggang makaupo kami sa harapan nang mesa.

"May kailangan akong sabihin sayo." pilit kong tinatatagan ang loob ko para hindi nito mahalata ang emosyong pilit kong tinatago, habang ito ay abala pa din ito sa ginagawa.

"Mamaya na yan, kumain na muna tayo, bago pa lumamig ang pagkain." sinabi nito na para bang balewala ang sasabihin ko.

"Gusto ko nang makipaghiwalay." bigla kong sinabi dito. Nakita kong natigilan ito sa narinig, at nang tignan ko ang mga mata nito ay nakita ko ang malamig na emosyon sa mga iyon, pero sandali lang iyon at agad ding nawala, muli itong nagpatuloy sa ginagawa na para bang wala itong narinig.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon