Meet My New Friend

10.4K 224 26
                                    

Ni hao Ma??? Kunwari chinese lang hehehehe watching Yakitate Japan sa channel two habang nagsusulat.

First time kong gagamit ng kpop song kasi wala akong makita ng nice song for this chapter......

Picture of Louie Solis one of Arnold's friend=======>>>>>

Song is 처음 뵙겠습니다 (Nice to Meet You) G.Na Ft. Wheesung

===============================================================================

CHAPTER FOURTEEN

Arnold's POV

Hindi ko mapigilang mapahinga nang malalim, hindi kasi kami nagkita ni Jake noong Linggo dahil nga hinatid namin si Mommy sa airport kaya naman sobra kong namimiss si Jake, pero hinding hindi ko naman pinagsisihan na hinatid ko si Mom sa airport, aaminin ko, sobra ko talagang mamimiss si Mom, dahil kapag may problema ako o kung hindi maganda anga raw ko ay pupunta lang ako sa kanya at alam na niya kung paano papagaanin ang nanaramdaman ko.

Parang wala akong ganang magkikilos ngayon, sobrang tamad na tamad akong gumalaw nang umagang ito, ngunit bigla akong natigilan nang may marealized ako. 

"Wait! Monday ngayon ah." sa loob loob ko, sa naisip ay tila bigla akong nakainom ng isang dosenang energy drink, dali dali akong bumangon sa kama.

Araw nang Lunes, ibig sabihin ay meron na akong pasok ng araw na iyon, at katulad ko ay ganoon din si Jake, tila ba naging source of energy ko na malaman magkikita kami nito sa school.

Pasipol sipol pa ako habang naghahanda sa pagpasok sa school, hinanda ko na muna ang mga kakailanganin ko bago ako naligo at nagtoothbrush. 

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin, simula kasi nang makilala ko ang gloomy at aloof na si Jake ay tila may nabago ito sa buong sistema ko.

Inabot din ng halos isang oras bago ako maging handa sa pagpasok, hindi naman ako makapagdecide kung ano ang gagamitin ko ngayong sasakyan sa pagpasok. 

"What to use?" ilang minuto din akong nasa ganoong pag-iisip hanggang mapagdesisyunan kong gamitin na lang ang Red Ducatti ko, maliban sa paborito ko iyo, ay mas madali pa akong makakalusot sa madadaanan kong traffic.

Nagsimula ako sa mabagal na pagpapatakbo, but since I'm Arnold Saavedra, mas binilisan ko pa ang papatakbo ko, dahil nga sa bilis ng pagdadrive ko ay inabot lang ako ng kulang kulang thirty minutes hanggang makarating na ako sa school.

Agad naman akong sinaluduhan nang kaclose naming security guard, binagalan ko ang pagpapaandar ko ng bike ko para saluduhan ito pabalik. Nang makapasok sa school ay dumiretso na ako sa usual parking spot, ang tagal tagal na din pero walang kahit na sino ang nagtatangkang magpark sa puwesto kong iyon na pinagkibit balikat ko na lang.

Sandali kong tinignan ang oras sa suot kong wristwatch, kaya naman nalaman kong ala sais pa lang nang umaga, meron pa akong isang oras bago magsimula ang una kong klase.

Minabuti kong dumiretso sa usual tambayan namin, nagbabakasakali kasi ako na baka nandoon na ang tropa, naabutan ko naman doon sina Ken at Louie, ngunit wala doon si Larry. Medyo matagal tagal na din nang huli kong makasama si Larry, at alam kong kailangan kong bumawi sa best friend kong iyon. Mula elementary ay magbest friend na kami ni Larry. 

"Morning, kamusta?" masayang bati ko sa dalawa, nakipag fist bump naman ako sa mga ito nang makalapit sa mga ito.

"Ayos naman tol. Nag-iisip lang kami ni Ken kung ano bang magandang panoorin na movie mamaya. Maaga daw magcacancel ng klase mamaya dahil merong teachers meeting, so sasama ka ba o baka meron ka na naman importateng gagawin?" biro naman ni Louie, hindi ko naman maiwasang hindi makonsensya sa sinabi nito, alam kong biro lang iyon, pero medyo guilty ako doon lalo na't nababawasan ang oras na ko sa kanila.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon