Back to the Present

9.1K 220 27
                                    

 So nakita niyo na kung anong nangyari kay Arnold Saavedra, kaya naman balik tayo sa present time.

Picture of Larry Samonte on the right========>>>>>>

Song is I'm Yours by The Script

===============================================================================

CHAPTER TWENTY-NINE

Jake's POV

Apat na taon na ang nakakalipas nang mangyari ang pagkamatay ni Arnold, pero sariwa pa din ang sugat na iniwan nito sa puso ko, para bang kahapon lang nangyari nang malaman kong patay na ang taong pinakamamahal ko.

Sobrang hirap tanggapin ang pagpanaw ni Arnold, ngunit mas masakit ay hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya, na kahit hanggang sa huli ay hindi ko na siya nakita.

Ngayon ang death anniversary, mula noon at hanggang ngayon ay pilit ko pa ding binubuo ang sarili ko mula sa sakit nang pagkawala niya. Noong una nga ay naisipan kong tapusin ang sarili kong buhay dala nang sobrang pangungulila ko kay Arnold, pero naalala ko ang pangako ko kay Arnold na magpapakatatag at kahit mahirap ay pinilit kong mabuhay.

Oo nga't buhay ako, pero para akong desusing laruan na sumusunod na lang sa agos ng buhay, para bang wala na akong pakiramdam sa ibang bagay maliban sa sakit na nasa puso ko.

Mabuti na lang at kahit paano ay nandiyan pa din sila Ken at louie na tinutulunga akong bumangon, si Larry naman ay patuloy pa din akong sinisisi sa pagkamatay ng best friend niya. Muli ay sinarado niya ang sarili sa mundo.

Ang huling beses na makita ko sila Ken at Louie ay noong graduation nila, guston gusto ko sana silang lapitan, ngunit nag-alangan ako nang mapansin ko si Larry na nanonood sa malayo.

Kahit hindi madalas magkita ay nakakatext ko pa si Ken. Nalaman ko dito na nalaman din pala ni Louie ang totoong nararamdaman nito at mula nga noon ay nagbago na si Louie sa pakikitungo kay Ken.

Gusto ko nga sanang icomfort si Ken, dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan nito, ngunit ito na din mismo ang tumanggi at sinabing magiging ok din siya.

Madami nang mga bulaklak ang nasa puntod ni Arnold, mula iyon sa mga kaibigan at kamag-anak nito. Talagang nagpahapon ako ng dalaw para walang makakita sa akin at para masolo ko na din siya.

Taimtim akong nagdasal nang maramdaman kong hindi na ako na-iisa, kaya naman lumingon ako, laking gulat ko nang makita ko si Larry sa likuran ko, nakasuot ito ng black tux habang may hawak hawak na mga bulaklak.

Maski ito ay nagulat nang makita ako, at para hindi na magkagulo ay minabuti ko nang umalis na lang. Alam ko naman na hindi nito gugustuhin na makasama ako sa iisang lugar.

"Sandali lang." narinig kong tawag nito nang akma akong aalis.

Napatigil naman ako sa paglalakad habang hinihintay itong magsalitang muli. Nilagay na muna nito ang dalang mga bulaklas sa puntod at sandaliang nanalangin.

"I think we need to talk." seryoso nitong sinabi sa akin, ininbitahan naman ako nitong maupo sa isang bakanteng bench hindi kalayuan sa puntod ni Arnold.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa, ni isa sa amin ay hindi alam kung saan magsisimula, hanggang sa marinig ko ang malalim na paghinga nito.

"Gusto ko lang na humingi sayo ng tawad, maling mali na ikaw ang sisihin ko sa pagkamatay ni Arnold." nagulat naman ako sa sinabi nito, dahil malayong malayo iyon sa inaasahan kong sasabihin nito, ang buong akala ko nga ay pagbabawalan ako nitong dalawin si Arnold.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon