Annoying Bubble Gum

11.1K 258 19
                                    

Hi guys! Ito na po ang chapter nine ng I Remember the boy "Annoying Bubble Gum" malalaman ninyo din kung bakit iyon ang title nito. Gusto ko ang chapter na ito dahil medyo light lang saka medyo cute, masyado kasing mabigat sa mga previous chapters.

Again maraming salamat po sa mga nagfollow, nagcocomments and bumuboto sa story na ito, sobra ko po siyang naaappreciate.

Woah sobrang init kakamiss Palawan, gusto ko ulit bumalik =)

Picture of Larry Samonte on the right Arnold's Best Friend=========>>>>

Song is Stickwithu By Pussycat Dolls

==============================================================================

CHAPTER NINE

Arnold's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas nang huling usap namin ni Jake, pero hanggang ngayon ay ginugulo pa din ako nito. Siguro nga mas mabuti nang ganito, baka nga tuluyan nang mawala ang weird na nararamdaman ko.

Kahit nagdecide na akong huwag na itong lapitan ay hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na palihim itong pagmasdan, pinagmamasdan ko ito sa malayo. Sa pagmamasid kong iyon ay hindi ko pa nakita itong ngumiti kahit kailan at patuloy akong naapektuhan dahil doon.

"Damn it! Hindi ko na to kaya." sa loob loob ko, minabuti kong iwanan na muna ang mga kaibigan ko.

"Saan ka pupunta Arnold?!" pasigaw na tanong ni Larry na hindi ko na lang pinansin.

Sobra na akong nacoconfuse, malungkot ako dahil sa sitwasyon niya and at the same time nagagalit at naiinis ako sa kanya dahil sa pambabalewala niya sa pakikipagkaibigan sa akin.

"Fine! Kung ayaw niya ko sa buhay niya ay bahala na siya, wala na akong pakialam kung may mangyari pa sa kanyang masama." sigurado ko nang sinabi sa sarili ko.

Sandali lang naman ako lumayo, kaya naman nagdecide na akong bumalik sa mga kaibigan ko, sa mga kaibigan ko na talagang gusto akong makasama at hindi ako ipagtatabuyan.

Habang naglalakad pabalik ay may narinig akong tumatawag sa akin, kaya naman tumigil ako.

"Arnold!" nalaman kong si Mang Gener pala ang tumatawag, may hawak itong isang blue na paper bag, habang naglalakad palapit sa akin.

"Bakit po Mang Genery?" magalang na tanong ko naman dito, natutunan ko kay Mom na gumalang sa nakakatanda, na kahit na anong estado sa buhay ay dapat akong matutong gumalang.

"Naku saan ka ba nagsususo suot. Alam mo bang matagal na kitang hinahanap." sagot naman nito, nagtaka naman ako ng inabot nito ang hawak hawak na paper bag.

"Sorry Mang Gener, pero hindi po akin yan." pagtanggi ko naman, dahil hindi naman talaga akin iyon.

"Napulot ko kasi ito noong isang araw pa, tapos nang tignan ko ay nakita ko ang pangalan mo sa tag." paliwanag naman nito, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin iyon dito.

Agad ko naman binasa ang naturang card at tama nga ito nakasulat doon ang pangalan ko. Pinaghalong lungkot, saya ang puso ko ng tuluyan kong nabasa ang sulat nito.

Ayon sa nakasulat ay nagpapasalamat ito sa tulong ko dito, ayon pa din dito ay ngayon lang daw siya naging masaya ng ganito.

Para akong mabubulunan sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko nang mabasa ko iyon, kahit hindi nakalagay ang pangalan niya ay alam kong galing iyon kay Jake. Ngayon lang nangyari sa akin ang makaramdam ng iba't ibang emosyon at the same time, lalo na't hindi naman ako maemosyonal na tao, agad kong nilabanan ang sarili ko ng maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

I Remember the Boy (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon