Chapter Five

6.5K 144 0
                                    

Hindi maampat ang luha ni lauren habang yakap ang mga magulang niya. Pinasya ng mga ito na ihatid siya sa airport. Ilang minuto nalang ay aalis na siya.

Kasamang naghatid ang kaibigan niyang si lissie. Wala si jericko. Hindi niya ito nakausap kagabi. O kahit kanina. Pero bago siya nakarating sa airport kanina ay nakarecieve siya ng text dito.

Sweetheart, mom and dad was so excited to see you tonight. I told you. They were going to like you. I'm sorry i missed your call last night. I'm with friends. Susunduin kita mamaya. See you. I love you

Ipinagbilin nalang niya kay lissie na ibigay dito ang sulat niya. She can't afford to talk to him. Baka kasi biglang magbago ang isip niya.

Hindi niya gustong madisappoint ang mga magulang niya at mawala ang expectation ng school sa kanya.

They trusted her. Kaya ayaw niyang masira iyon.

"Nay, tay mag iingat kayo habang wala ako ha." Bilin niya sa mga magulang habang yakap ang mga ito.
"Ikaw tay wag mong kakalimutan ang maintenance mo. Pati ikaw nay, wala munang overtime ha."

"Wag mo kaming intindihin ng tatay mo. Ikaw ang mag ingat. Malayo ka samin. Hindi ka namin agad mapupuntahan." Sabi ng kanyang ina.

"Tama ang nanay mo anak. Alagaan mo ang sarili mo. Mag aral ka mabuti." Naiiyak na sabi ng kanyang ama.

Muli niyang niyakap gng mga ito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya mawawalay sa mga magulang niya.

Binalingan niya ang kaibigang si lissie. Nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito. At saka niyakap siya ng mahigpit.

"Angie!" Sabay iyak.

"Ano ka ba? Babalik pa naman ako e." Sabay tapik sa balikat nito.

"Kahit na nakakalungkot parin e. Bakit naman kasi ang tali-talino mo. Yan tuloy naiwan ako." Natawa nalang siya sa mga kadramahan nito.

"Kaw talaga!" Muli pa niya itong niyakap. "Ikaw na ang bahala kay na tatay at nanay ha."

"Para ko na rin silang mga magulang. Kaya aalagaan ko sila."

"Salamat lissie. Tsaka nga pala. Si echo. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Kapag nasa america na ko tatawagan ko siya agad. Sabihin mo na mahal na mahal ko siya." Muli na namann siyang napaiyak ng maalala si jericko.

Hindi man lang siya nakapag paalam dito. Hindi man lang niya nabaon ang yakap nito.

"To all passenger of jkf-01 flight 6894 are ready to board." They announced.

She hugged both of her parents before saying her goodbyes.

Marahan niyang itinulak ang cart na may maleta niya papasok sa boarding area. She wave her hands. Kakayanin niya para sa pamilya niya. Para kay jericko. Para maipapagmalaki siya nito sa pamilya nito.

Wala sa sariling napahawak siya sa kwintas niya. Kahit malayo siya kay jericko. Kasama naman niya ito sa puso niya.

Gagawin niya ito dahil alam niyang ito ang tama. At ito ang makakabuti sa kanila.


His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now