Chapter Twenty-Three: Truth

7.1K 187 9
                                    

Naiwan sa bahay si lauren ngayon. Si echo ay pumasok na rin sa opisina nito at ang kanyang biyenan naman ay sumama sa paghahatid kay tim sa iskwelahan.

Naiwan siya kasama ang kanyang kambal. Matapos niyang asikasuhin ang pagpapaligo at pagtulog ng kambal ay muli siyang bumalik sa loob ng study room.

Lately, she became exhausted and easily get tired. Dala marahil ng ilang araw na pagpupuyat niya dahil sa pilit na pagaaral ng mga dokumento na naiwan sa kanya.

She was tired signing and reading those damn report. Lahat ay hindi niya maintindihan.Lahat ay hindi niya alam kung para saan. Wala naman kasi siyang alam sa mga ganitong klaseng mga papel.

After her long time reviewing the last year financial report. She scanned it again.

She was busy browsing the folder when something fell on the ground. She move the swivel chair and leaned on the floor.

She hand another piece of paper. Sa unang tingin ay tila isa lang iyon na basura.

She read the paper slowly. Iniintindi niya mabuti kung para saan iyon. And then she knew that it was a annulment paper.

Annulment paper? Para kanino?

Then she keep on reading until she saw that the paper was signed by her name. Denise Gracielle Montecillo.

May annulment paper si denise? Bakit?

Ang mga tanong na iyon ang pilit umuukit sa isip niya. She scanned again the paper, and based on the document it was Mrs. Montecillo who filed that annulment. And it was dated two months before the accident happened.

Tinignan niya rin kung sino pa ang nakapirma. Unfortunately, echo didn't signed the paper. So hindi pa ito umaabot sa korte.

Palaisipan sa kanya kung bakit siya nagfile ng annulment. Ang alam niya wala pa man siya dito ay maayos ang pagsasama ng mga ito. So why they suddenly wan't to get separated?

Kaya ba hindi napirmahan ng asawa niya ang dokomentong ito ay dahil naaksidente siya?

She sighed. She put the paper back in its folder then she place it inside the drawer. Sa kadahilanan na mas gusto niyang wag na muli itong makita nino man ay itinago niya ito sa mas tagong lugar.

She will keep that paper not until she knew what really happen.

She continue reading and scanning the remaining folder that scattered infront of her.

Due to lot of papers she read. Bigla ay nakaramdam na siya ng pagod at antok. Binitawan niya ang hawak at saka sumandal sa upuan. Ipipikit sana niya ang kanyang mga mata nang hindi sinasadyang may nahagip ang kanyang mga mata.

She frowned when she saw a picture frame. Nakataob ito. Bahagya niyang hinila ang drawer upang makita ito. Hindi siya nagkamali isa nga iyong frame.


Nangunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Dalawang bata ang bumungad sa kanya sa litratong iyon.


Sinuri niyang mabuti ang larawan. Lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo ng makilala niya ang nasa litrato.

Denise? Luma na ang litrato marahil ay apat o limang taon pa lamang ito doon. Ang cute nito sa suot na purple dress na tinernuhan ng purple lace sa buhok. Very classic beauty.


Sa kanan nito ay isang bata na hawak nito sa kaliwang kamay. Parehong nakangiti ang dalawa. Pareho din ng suot ang mga ito. Sa tantya niya ay hindi rin nagkakalayo ang edad ng dalawa.


Parehong nakangiti ang mga ito sa camera. Halata ang kasiyahan. Somehow she felt like crying. Bigla ay lumukso ang puso niya at nakaramdam siya ng lungkot para dito.




Muli ay sinulyapan niya ang litrato. Ang gatla sa noo niya kanina na malalim ay tila biglang lumalim lalo.

Dahil mas kinagulat niya ng makilala niya kung sino ang batang katabi ni denise sa litrato.



Hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang kilala niya iyon. Ang mata, labi, at ang paraan ng pagngiti nito ay iisa.



Kamukhang-kamukha...









Niya ang nasa litrato.







A/N:
Readers:
Sorry if i wasn't update for a long time. Sobrang busy lang. At nawala na ito sa isip ko. Actually nahirapan akong duksungan kinailangan ko pang ireview ang mga previous chapter para malaman ko kung nasaan na ba ang istoryang ito.

Sorry sa mga misspelled at wrong grammar ko. Walang editor ito and aside from that cp po ang gamit ko at hindi pc. Hirap lang po magtype dito kasi ang liliit ng letters.

I just want to ask. May nagbabasa pa po ba nito? If meron pa.. Pwede ko bang maramdaman ang presensya niyo? Hehe..

Sa lahat ng gustong magpadedicate you can pm me, comment or find me in facebook.

This is my valentines gift for everyone. Happy valentines day po!!

Love lots,
Me:')

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now