Chapter Twenty-one: Nightmare

6K 136 3
                                    

Mausok at naglalagablab na apoy ang unti-unting tumutupok sa nagngangalit na yero at baka ng yate.

Ang ilan ay nakalayo na at nakaligtas ngunit hindi siya.

"Mommy... daddy... ate..!!" Iyak siya ng iyak habang nakasiksik sa isang sulok ng yate.

Alam niya na anumang oras ay lulubog na ito.

"Anak!!! Anak!! Nasaan ka?" Boses iyon ng kanyang ina.

Pinilit niyang sumigaw ng sumigaw. Gusto niyang marinig siya ng mga ito.

Nahihirapan na siya sa init at usok. Para siyang hayop na patuloy na niluluto.


"Janice!!! Janice!!" Boses naman iyon ng kapatid niya.

Hinahanap siya ng mga ito. Alam niyang hindi siya pababayaan ng mga ito.

Ang party na akala niya ay walang magiging kasing saya ay sa panaginip lang pala. Dahil sa trahedyang ito.

Panay ang iyak niya. Naisip niya. Katapusan na ba niya? Paano siya makikita ng pamilya niya kung napapalibutan siya ng nagliliyab na apoy.


Bago niya naramdaman ang paglapat ng katawan niya sa malamig na tubig dagat ay narinig pa muli niya ang boses ng pamilya niya.

"Janice!!! ...Janice!!!"






"Hon... . Denise... denise... wake up!!"


Hinahapong nagmulat ng mga mata si lauren. Panaginip. Panaginip na naman.


"Nananaginip ka. Wait stay here i'll get you some water." Mabilis na bumaba ng kama si echo at lumabas.




Hindi niya maintindihan. Bakit madalas niyang mapanaginipan iyon. Wala naman siyang alam na kinalaman niya doon.


Pero lahat ay parang totoo. Naroon siya. Siya ang batang umiiyak.






Ngunit bakit?. Bakit paulit ulit na bumabalik iyon sa isip niya?




Nasa malalim siyang pagiisip nang bumukas ang pinto at pumasok si jericko.



May dala itong isang baso nang malamig na tubig. "Here., drink this!" Sabay abot sa kanya ng tubig.





Tahimik na ininom niya iyon. Para siyang uhaw na uhaw. Ang tubig na iyon ay tila sagot sa naglalagablab niyang lalamunan.




Napapaso pa rin siya hanggang ngayon.




"You ok now?." Masuyong tanong ni echo sa kanya.




Malamnam siyang tumingin dito. "Nanaginip na naman ako." Mahinang bulong niya dito.




"Ano bang napanaginipan mo?"  Tanong nito sa kanya.




Muli niyang nilagok ang natitirang tubig sa baso niya." Hindi ko masyadong matandaan... pero paulit ulit lang. Takot na takot ako sa panaginip ko.."







"Ssssshh... it's just a nightmare ok.. you better go back to sleep..babantayan kita." Kinuha nito ang baso na hawak niya at saka siya kinumutan.




He also planted a soft kiss on her temple. Assuring her that everything will ne alright.





She was scared. That dream seems so familiar to her. Pakiramdam niya ay nangyari na siya before.






At ang kaba at takot na nadarama niya ay totoo. Hindi niya alam kung bakit.





Ang senaryong iyon ang paulit ulit na gumugulo sa kanya.







At ang bangungot na iyon ang paulit ulit na nagpapagusing sa kanya..







Ngunit ngayon, kahit ano pang klase nang bangungot ang gumunita sa kanya.




Gigising siya. Basta si jericko ang mamumulatan niya.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now