Chapter 30: Reminiscing Ava

12.9K 389 30
                                    


Hi cocoa56! Gusto ko ang username mo, sarap gumawa ng champorado! HAHA. Peace tayo! ^_____^ Thank you for reading, voting at sa pagcomment sa story. :) Godbless and have a nice day! 



~jeanny



* * * * * * * *


[CJ]



"Why are we here?" tanong niya ng marating namin ang dating school na pinapasukan niya at ni Ava, ako din pala! Dito ko nakilala si Ava at dito nagsimula ang love story nila.



"Dito ka dati nag-aaral Hell, dito ka namin nakilala ni Ava." nilibot niya ng tingin ang buong school and I just hope kahit katiting may maalala siya. Maraming masasayang alaala ang nabuo nila sa school na ito, yung iba pala hindi kasi mas madalas nga pala ang pagbabangayan nilang dalawa.



"Doon tayo sa likod ng school dumaan! Sigurado akong di tayo papapasukin ng guard dyan! Tara! Mag over the bakod tayo!" aya ko tsaka naunang maglakad papunta sa likurang bahagi ng school. Pagdating namin dun, saktong walang estudyante sa paligid, malamang eh oras ng klase ngayon, dapat nga pala nasa school din ako ngayon kaso tinamad na akong pumasok dahil kay Hell, isa pa wala naman si mama sa bahay umalis at si ate Camille ang naiwan. Sana nga lang di ako ilaglag ni ate kay mama, kurot na naman sa singit ang aabutin ko dun eh.



"Tayo na!" may kandado ang gate kaya talagang no choice kami kundi magover the bakod na lang. Minsan ko na rin pala itong ginawa kasama si Ava, may pagkaloka din kasi ang babaeng yun eh, hilig magcutting kahit ako dinadamay niya. Isang tao lang naman ang nagturo sakanya ng ganon eh, si Hellard.



"Hoy! Tutunganga ka na lang ba dyan?" napasinghap ako ng biglang sumigaw si Hell, nang tingnan ko siya eh nandun na siya sa kabilang bahagi ng bakod.



"Oi! Ang bilis mo ha! Di mo man lang ako hinintay!" yamot na sabi ko sakanya, nagkibit balikat lang siya tsaka nagsimulang magmasid-masid sa paligid.



Sinimulan ko na ring akyatin ang bakal na gate, hirap na hirap akong ilusot ang paa ko sa makipot na siwang nito at nadudulas-dulas pa kasi naka-doll shoes ako. Nasa kalahatian pa lang ako ng gate at di ko na maiangat ang binti ko, dumudulas talaga kaya naisipan ko na lang na hubarin ang suot kong doll shoes at itinapon ito sa loob ng campus.



"Ouch!" singhal ni Hell sa sakit ng aksidenteng matamaan siya nung doll shoes ko sa ulo, Nagsorry na lang ako sakanya tsaka pinagpatuloy ang pag-akyat sa gate.



Heto na, pababa naman ako sa kabilang parte nitong gate, gusto ko na sanang talunin pero ang taas pala! Baka mabalian ako!

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin