Chapter 52: Vacation Getaway

14.6K 357 70
                                    



Dedicate this chapter sa magbesties na sina TRIZIA JALUAG and ANGELICA BENTING. I read your PM sweetie at pasensya ka na kung di man ako makapagreply. Anyway, natutuwa ako sainyong dalawa dahil sa suportang ibinibigay niyo sa story. :D Nakaka-inspire at nakaka-flatter talaga ng sobra, so thank you so much at Godbless always sweeties. <3 Saranghaeyo! <3



Pwede niyo na pong ma-add ang ating bida na si Chase sa facebook. Search niyo lang po ang Chase Evangelista with the (Wattpad Character) thing on the side. ^____^ Yun lamang po maraming salamat! XD



Ang update ko po ng PMS ay every after three days na sweeties. :) Para po di na kayo masyadong mabitin sa story. HAHA. Sisipagan ko na po talaga ang pagsusulat. XD 



Again, don't mind my errors. 


Chapter 52: Vacation Getaway



[SHANE]



"Hey baby. Are you not enjoying?" tanong ni mommy sa akin habang nakaupo ako sa buhanginan at nakamasid lang sa mga taong naliligo sa beach.



"I am mommy. Medyo mainit pa kasi kaya mamaya na po ako maliligo." pilit akong ngumiti sakanya pagkatapos.



Bigla naman siyang tumawa tsaka ulit nagsalita. "Pero baby magtatakip-silim na, kailan mo balak maligo kapag gabi na? Ang mabuti pa, samahan mo na si Tara, Stella at Arkin doon. Tinatawag ka na nila oh!" tinuro ni mommy ang kinaroroonan ng tatlo tsaka kumaway sa mga ito. Kumaway din sila pabalik sa amin at sumenyas na lumapit sakanila.



Nakangiti akong umiling-iling at mabuti na lang hindi na nila pinagpilitan. "Okay sige at ihahanda muna namin nang daddy mo yung iihawan natin mamaya. Enjoy baby." humalik siya sa aking pisngi at nadako ang tingin sa singsing na suot ko. Tiningnan ko din ito tsaka ko siya tiningnan. Ngumiti lang ulit sa akin si mommy tsaka na siya tumayo at lumapit kay daddy.



Nadako ang tingin ko kay Arkin na nakikipagbasaan sa dalawa. Dalawang araw na ang lumipas simula nang magpropose siya sa akin ng kasal. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon pero at some point may tuwa din akong naramdaman. Hindi ko kasi inaasahang maiisip niya ang ganoong bagay.



He vowed that he'll love me to the best that he can. He even told me na tutulungan niya akong makalimutan ang lahat. Sa katunayan siya ang nagplano ng vacation getaway na ito dito sa Dakak beach resort sa Dapitan, isang rason din daw ay dahil nasa Manila na ang Manager niya at hinahanap na siya kaya niya tinatakasan.



Nakakatuwang isipin at talagang tinatakasan niya ang Manager niya at hindi daw siya magpapakita dito hanggat hindi pa ako pumapayag sa kasal. Well, tinanggihan ko kasi siya. Nang mga oras na iyon walang ibang nasa isip ko kundi si Chase. It'll be totally unfair for him kapag sinagot ko siya habang si Chase ang iniisip ko.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon