Chapter 37: Testigo

16.5K 430 37
                                    



As promise, I dedicate this chapter to you sweetie, Vj JevbLair. Thank you sa lahat-lahat. Keepsafe and Godbless always. <3 



Add me up on facebook: Psyche SpellCaster



Join our facebook group: PsycheSpellCaster Stories WP . :) Thank you. Pictures of my characters will be posted there. Kasali na rin ang mga new set of characters para sa upcoming stories ko. :) 



#Hellard

#Shane

#Chase



Chapter 37: Testigo



[SHANE]



"Hmmm. . ." unti-unti kong minulat ang aking mga mata at agad na nasilaw sa maliwanag na ilaw sa kisame. Napapikit ako ulit at kumurap-kurap. Makailang saglit pa ay dinilat kong muli ang aking mga mata at nilibot ng tingin ang silid na kinaroroonan ko.



Tumayo ako sa pagkakahiga at bahagyang nakaramdam ng pananakit sa aking batok, hinimas ko ito tsaka inalala ang nangyari sa akin.



Hinatid ako ni Chase sa bahay namin, pagkatapos ay may nakita akong itim na kotse di kalayuan sa bakuran namin, alam kong may kakaiba sa kotse na yun at mukhang hindi nga ako nagkamali dahil may bigla na lamang pumalo sa batok ko.



Nasaan ako?



Hindi ko alam kung matatakot ako o hindi. Mukha kasi akong nasa loob ng mansyon ngayon. Sa sobrang ganda ng kwartong tinutuluyan ko, mas nanaig pa sa akin ang pagkamangha at paghanga kaysa sa takot.



Tatlong sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Marahas akong napalingon dito at nabalisa. Magtatago na ba ako o magpapanggap na lang ulit na tulog?! Teka! Anong gagawin ko! Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghahanap ng pwedeng mapagtaguan pero mukhang huli na ang lahat dahil may pumasok ng isang babae.



Base sa suot niya ngayon ay isa siyang katiwala.



"Gising na po pala kayo. Pinapatawag na kayo ni Master Calix at Tyrone sa hapag-kainan. Sumunod na lamang po kayo sa akin." yumukod ito pagkatapos magsalita kaya napaatras ako.



Sino si Tyrone at Calix? Kilala ko ba sila? Kung ganon sila ang may-ari ng bahay na ito?

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Where stories live. Discover now