CHAPTER 65: BATANGAS SHOOT PART 3

6.4K 256 81
                                    


Here are the second batch winners para sa palaro sa group. Thank you for joining sweeties. Godbless and I love you all.


Hanna Grace Ebo

Angelica Mondero

Riza Pino

Jenelyn Marzan

Jannah Joy Catamio

Mayzkie Basilio

Honeylyn Dioso Lacandula

Tsukushi Reign Hanazawa

Ma Arabelle grace cecillo

Sony Kimzz

Arjar Joy Tamano



CHAPTER 65: BATANGAS SHOOT PART 3



[SHANE]



K I N A B U K A S A N



I woke up feeling refreshed and energized. Siguro dahil pa rin ito sa pag-uusap namin ni Elle kagabi. Nakakagaan ng pakiramdam. Feeling ko nabunutan ako ng hinanakit at tinik sa aking dibdib. Ewan ko ba, di ko ma-explain yung pakiramdam.



Anyway, heto ako at kakagising pa lang. Tumayo na ako sa aking kama at nag-unat ng dalawang kamay. Lumapit ako sa veranda ng aking lodge at tinanaw ang magandang dalampisagan sa aking harapan.



"Good morning Shane. Good morning Philippines." nakangiting sabi ko tsaka na nagsimulang mag-ayos ng sarili.



Halos isang oras din ang inabot ko sa pag-aayos bago nakalabas ng lodge at pumunta sa restaurant ng resort para kumain ng agahan. Pagdating ko dito ay nadatnan kong kumpleto na ang lahat at tanging ako na lamang ang kulang.



"Good morning Shane!" halos magulat kaming lahat sa pasigaw na pagbati ni Elle sa akin. Masaya pa itong tumayo sakanyang upuan at halos mapunit na ang labi sa pagngiti.



"Aba! Energetic ka ata ngayon ha! Maganda yan Elle! Dahil dyan break muna tayo sa photoshoot at mag-enjoy lahat sa resort!"



"YUN OH!!! YESSSSSSSSS!!!" sabay-sabay na tugon ng lahat sa sinabi ng manager kaya natawa na lang ako sakanila.



Sabay-sabay kaming kumain lahat at nakaupo ako sa tabi ni Elle at ni Manager. Kanya-kanya naman ng pinag-uusapan ang mga staffs at sobrang ingay ngayon sa table namin.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora