Chapter 70: Final Combat

4.1K 160 29
                                    


Special shout out to my sweeties who won the last game in the group. Thanks for participating and being active always. Godbless. :) 

"Allen Mae Apiñado Kang, Angela Kim Gali, Ceejay Casabuena, Erikajen Swift, Jenelyn Marzan, Kime Niah, Kookie Clear Nodidera, Kristal Joy Faustino, Laurenz Adriane Cayaban, Sony Kimzz"


Chapter 70: Final Combat


[AVA]


Papunta na kami sa lugar na sinabi ni Tara kung saan naroon si Hellard at nag-iisang nakikipaglaban sa myembro ng gang na iyon. Nagawa na rin naman siguro nila Tara na tumawag ng mga pulis para tumulong sa amin, bahala na ang importante makarating kami doon agad.


Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong muntikang mahagip ng mga sasakyan sa aming dinaraanan. Wala ako sa tamang katinuan dahil sa sobrang pag-iisip. Kung maaari ko lang sanang liparin ang kinaroroonan niya ngayon ay akin nang ginawa para ako'y mapanatag na. Hindi matigil ang aking dibdib sa pagkabog nito.


Alam ko, ramdam ko , may masama nang nangyayari kay Hellard ngayon. . .


"Ava! Relax! I'm sure Hellard's fine... Trust him." Pagpapalakas ng loob ni Calix pero wala itong naging kahit katiting na epekto para pagaanin ang loob ko. Dumaan lang ito sa aking tenga at lumabas sa kabila. Alam kong sinasabi lang nila iyon pero ang totoo ay hindi naman talaga.


Hindi naman ako tanga para hindi maisip na isa lang siya laban sa mga tauhan ng lider ng gang na iyon. Magaling si Hellard pero tao lang siya, may kahinaan din siya. Kaya anong fine fine ang pinagsasabi nila.


"Hindi siya okay Calix! Wag na tayong maglokohan dito! Bilisan na lang natin para matulungan natin siya." Wala sa hulog na sagot ko sakanya pabalik. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko itong napailing at isinara ang helmet niya't pinaharurot ang kanyang motorsiklo. Sumunod si Ty sakanya kaya binilisan ko na din ang pagmamaneho.


Inabot din kami ng ilang oras bago mahanap ang mismong kinaroroonan ng mansion na sinabi ni Tara sa amin. Pagpasok pa lang namin sa gate ay bumungad na sa amin ang mga nakahandusay na katawan sa semento't duguan. Wala akong inaksayang oras at maingat na pinasok ang loob ng mansion ng lider.


Hawak ang aking paboritong baril ay nagtago ako malapit sa pader at pinakiramdaman ang paligid. Masyadong tahimik sa entrada ng bahay at madaming nagkalat na duguan na mga lalaki sa sahig. Hindi ko mawari kung si Hellard ba ang may gawa nitong lahat o ano.


"I'll go in first, if you see someone suspicious just shoot." Turan ni Calix tsaka nagpatiuna papasok ng sala. Naging malikot ang mata ko at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. Wala namang kahina-hinala sa paligid kaya lumabas na rin ako sa aking pinagtataguan pero di pa man ako nakakalayo ay may biglang nagpaputok sa aking direksyon.


Mabuti na lamang at nakapwesto sa aking likuran si Ty at mabilis na binaril ang lalaki,matapos nun ay ang sunod-sunod pang pagputok sa paligid. Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Ty tsaka ako hinila patago sa likod ng sofa. Nakipagpalitan kami ng putok ng baril sakanila at hindi ito naging madali dahil di kami nakapaghanda.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon