Chapter 61.2: Makeover

9.1K 239 39
                                    




[SHANE]



"How could you do that Shane! What if something bad happened to you?! Arkin will surely get furious when he knew about this." napapailing na sermon sa akin ni Manager. Hindi na lang ako nagsalita at nanatiling nakayuko sa aking kinauupuan.



"Don't you dare do that again Shane, please..." her worried voice makes me so guilty. Ewan ko ba kung bakit ko talaga yun ginawa, basta kusa na lang gumalaw ang katawan ko papunta sa lugar na iyon.



"Anyway. We are going to meet your P.A. today. Are you ready?" mula sa pagkakayuko ay napataas ang ulo ko't takang tiningnan siya.



"P.A.? Do I even need one Manager?"



"Ofcourse. Our staffs can't accomodate you anymore. You need a personal assistant to assist you everyday."



"Okay." hindi na ako nakipagtalo pa kay Manager kahit gustuhin ko man dahil ayokong madagdagan pa ang init ng ulo niya.



Mula sa hotel na tinutuluyan namin ay dumiretso kami sa studio kung saan nagaganap ang aming photoshoot. Sa office na lang daw namin ime-meet ang PA ko at ako na daw ang bahala kung papasa ito o hindi.



Fifteen minutes past at nandito pa din kami sa office ng studio naghihintay. Natraffic daw kasi yung maga-apply kong PA kaya wala pa hanggang ngayon dito. Inip na inip na ako at lahat ata ng pwedeng gawin ay nagawa ko na pero wala pa din siya.



Didn't she knew that first impression last kaya dapat sa umpisa pa lang ay pinapaganda niya na ang image niya sa akin. Hindi ganitong kami pa ang naghihintay sakanya. If I could only cancel this interview I already did pero it seems that Manager Flinston is so determined to wait for that lady they were talking about.



"They're here Manager Flinston!" one staff named Jasmine yelled at the door pathway. Masaya namang naglakad palabas ng opisina si Manager at naiwan akong mag-isa dito sa loob. Maybe I'll just wait for them here.



And so I did, nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng news sa television at nakita ko pa ang sarili sa screen. Ito yung kuha nung dumating ako sa bansa at ininterview. I can't believe hot topic pa rin ako ngayon. Para sa akin isang normal na araw lang naman ang pagdating ko dito sa Pilipinas.



"Shane." napabalikwas ako ng upo sa couch ng marinig ang boses ng Manager ko. Napatingin ako sa gawi niya partikular na sa isang babaeng nakatayo sa tabi niya. For some reasons I felt my heart skipped a beat.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Where stories live. Discover now