Epilogue

1.6K 66 18
                                    


EPILOGUE

I wanted to apologize to my readers for such a long time update. I know it's been how many months and I let you all down. This will be the end of the story for Chase and Shane and somehow I wished you all enjoyed the story. For all of those who took time to read this story until the end, thank you so much. :) Thank you for the inspiration you have given me. For those who did not like the story, let it be my inspiration too, so I could create a more interesting story the next time I posted here on Wattpad. This will not be the end. Let's say, this will be the start for a new exciting and more fun stories my mind would create to entertain you... Again... Wishing you a happy holidays! Cheers!



[TARA]


"Cris!!!" halos mapatid ang ugat sa aking leeg sa pagtawag sakanyang pangalan. Pumutok na kasi ang panubigan ko't kailangan ko ng maidala sa hospital. Hindi ko pa naman kabuwanan pero bakit ganon gusto na ata talagang lumabas ni baby.


"Cris! Ano ba! Nasaan ka ba!!!" nakaupo na ako sa sahig at hawak-hawak ang aking tyan. Doon naman pumasok si Cris sa kwarto at agad na lumapit sa akin tsaka ako binuhat at dali-daling ibinaba sa hagdan.


"Diyos ko! Anong nangyari hija?!" gulat na salubong sa amin ng mama ni Cris pagbaba namin ng hagdan.


"Manganganak na siya Ma! Kailangan ko siyang dalhin sa hospital." Sagot nito sakanyang mommy na hindi na niya nagawang lingunin dahil sa pagmamadali nitong maidala ako sa kotse.


Sa likuran niya ako isinakay at maingat na inihiga, sumunod ang kanyang mommy sa likod at hiniga ko ang ulo sakanyang hita.


Habang nasa byahe ay ramdam ko ang pagkataranta ng lahat. Well hindi lang naman sila mas ako yung napepressure dahil hindi ko alam kung aabot pa ba kami sa hospital.


"Mahal... Hindi ko na kaya..." hinang-hina na sabi ko kay Cris. Saglit naman itong lumingon at sumagot sa akin, "Hold on mahal, malapit lang ang hospital dito sa amin." Gusto kong isagot sakanya na kay baby niya yun sabihin kaso di ko na magawang magsalita. Parang kapag ginawa ko yun lalabas na lang bigla sa baby.


"Hija, kunting tiis pa. Malapit na tayo."


I really did my best para umabot ako sa hospital at doon maayos na ipanganak ang una naming baby ni Cris na plano naming pangalanang "Alexa Nicole Uchi". Cris happens to love the name Alexa and I love the name Nicole kaya yun ang naisipan naming ipangalan sa aming anak.


Sa awa naman ng Diyos ay maayos kong naipanganak ang aming panganay, laking pasasalamat ko talaga at umabot ako sa hospital. Ano na lang ang ilalagay ko sa birthplace ng aking anak kapag nagkataon. Nissan Altima?


"Ang ganda ganda ng baby natin mahal, tingnan mo oh, yung ilong niya nakuha niya sa akin, tapos yung labi niya nakuha niya sayo." Hindi ko mapaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ko silang dalawa ng aming anak. Ngayon ko lang nakitang ganon kasaya si Cris habang buhat-buhat ang baby namin. He look so amazed at pakiramdam ko nga hindi niya bibitawan ang bata.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu