Chapter 50: One Step Ahead

13.3K 349 88
                                    




Dedicate this chapter to Cristine Radorez and Jen Swagg07. Thank you for reading and voting sweeties. Lovelots. <3



Don't mind my errors sweeties.



Chapter 50: One Step Ahead



[SHANE]



It's weird na kahit ilang beses pa naming sinubukang kontakin ang number ni Chase ay hindi na talaga ito makontak. Si Arkin naman ay sinubukan ding tawagan ang numero nila Cris, Eric at Ken pero kahit isa sakanila walang sumasagot. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. May nangyayari ba sakanilang hindi namin alam? Hindi naman sana ito tulad ng iniisip ko.



"This is bad, I think you really need to go back now Shane." bulalas ni Arkin sa aking tabi. Agad akong sumang-ayon sa sinabi niya, wala na din namang dahilan para manatili pa dito dahil pwede na naming maisama si Hellard pabalik ng New York kung nasaan ang pamilya niya.



Masaya akong magkikita-kita na sila at syempre excited na akong makita muli si Chase!



Malapit na. Kunti na lang be, Magkikita na tayo ulit...



Kinagabihan ay nagkaroon ng handaan sa mansyon. Iba't-ibang klaseng putahe ang nakahain ngayon sa mesa at parang may pyesta. Nagsasayawan at nagtatawanan ang ibang mga katiwala sa may pool area at ang iba naman ay nag-iinuman sa lanai.



Nakamasid lang ako sakanilang lahat mula dito sa garden. Mukhang sa mga nakaraang taon ngayon lang ulit sila nagsaya ng ganito, wala ka kasing mababakas na lungkot sa mga mata nila at pawang tuwa at galak lamang. Somehow, nakakagaan ng pakiramdam at nakakalimutan ko din ang mga problema pero syempre iba pa din kapag nasa piling ka ng mga mahal mo sa buhay.



"Wag mo masyadong isipin, mahal ka nun." napatunghay ako sa taong nagsalita sa aking likuran at si Stella pala ito. May dala-dala siyang isang plato na punong-puno ng matatamis na desserts at isang bote ng wine. Naupo siya sa tabi ko at nilapag ang mga dala sa ibabaw ng mesa.



"Di ka ba nag-eenjoy at ang layo mo naman ata sakanila?"



Umiling ako sabay ngiti, "Nag-e-enjoy ako...wala na kasing maupuan sa banda doon kaya dito na lang ako pumwesto." actually totoo naman talagang wala na akong maupuan. Isa pa, nag-iinuman kasi sila at hindi ako nainom baka kasi bigla akong alukin eh ang sama ko naman kung tatanggi ako di'ba? Mas safe dito.



"Sabagay, ang i-ingay pa nila. Pagpasensyahan mo na lang ha. Ngayon na lang kasi kami nagkaroon ng ganitong salo-salo." tiningnan ko si Stella at may ngiti sakanyang labi habang nakamasid ito sakanila. Hindi ko naman maiwasang hindi mapansin ang lungkot sakanyang mga mata.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon