Chapter 42: New York

19.6K 426 68
                                    



Dedicate this chapter to Ms. Maribel B. Parado. :) Hi sweetie. Maraming salamat sa napakasweet na message mo sa akin. Thank you for inspiring me, for reading my stories at sa support. Take care and Godbless always sweetie. Lovelots. <3 <3



Mga sweeties! Bago po ang sunod na update ay bibigyan ko kayo ng chance na interviewin ang mga bida natin!!! Oo! Free kayong itanong lahat ng tanong na gusto niyong itanong sakanila! Ipo'post ko ang mga tanong niyo kasama na ang mga sagot nila bago ang Chapter 44. :) If you want to participate, please PM me dito sa wattpad ang mga katanungan niyo. Again, PM lang po please. :) Yun lamang, have a great day ahead! <3 <3



Chapter 42: New York



[SHANE]



We've already landed in John F. Kennedy International Airport (JFK) here in New York. Sa banyo ako unang pumunta paglapag namin dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at parang gustong lumabas ng laman loob ko sa aking bibig. Hindi ko kinaya ang haba ng aming byahe, para akong mamamatay sa loob ng eroplano. Mantakin mo ba namang labing siyam na oras kaming nasa himpapawid. Halos ginusto ko na lang tumalon sa dagat para mawala ang sakit na nararamdaman.



"Be. Mabuti pa dumiretso na tayo sa Hotel para makapagpahinga ka na." Nasa loob kami ngayon ng restroom ng mga babae at hinahaplos lang ni Chase ang aking likuran. Mabuti na lang at walang ibang taong napunta dito ngayon dahil baka mamaya baka sipain na lang siya bigla paalis ng mga security guard sa airport. Wala pa naman kami ngayon sa Pilipinas. Mas mahigpit ang mga tao dito sa ibang bansa.



"S-Sige." hinang-hina ako pero mabuti na lang ay nagawa ko pa siyang sagutin. Hindi kasi talaga ako kumain sa buong byaheng iyon kahit pilit akong pinapakain ni Chase. Maging ang uminom ay itinulog ko na lang para hindi ko maramdaman ang pagkauhaw.



Nakaakbay lamang sa akin si Chase bilang suporta sa nanghihina kong katawan. Nakuha na namin ang mga luggages namin at naghihintay na lang kami ng cab na pwedeng masakyan. Hindi kami gaanong nag-antay ng matagal dahil nakakuha kami agad ng cab at ngayon ay nasa byahe papunta sa Hotel na tutuluyan namin.



Nakahiga ako ngayon sa balikat ni Chase at pilit na iniinda ang sakit ng aking ulo. Ayoko na kasi siyang pag-aalahanin pa kaya itatago ko na lang. Sigurado din naman kasi akong sa mga oras na ito ay kinakabahan na siya. Ayoko ng makadagdag pa sa alalahanin niya.



"Hang in there be. Makakapagpahinga ka na din." He uttered habang hinahaplos ang buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdantay ng labi niya sa aking noo. Hindi ko nagawang tumango at tanging sa isip-isip ko na lamang ito ginawa.



Kinse minutos at nagawa naming marating ang Lotte New York Palace Hotel na tutuluyan namin. Mabuti na lang talaga at hindi traffic dito sa ibang bansa. Mas napadali ang byahe namin. Agad akong humilata sa kama pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kwarto. Na-drain lahat ng lakas ko dahil sa byahe namin. Grabe! Hindi ko kinaya.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon