CHAPTER 66: Reunited

8.1K 233 73
                                    



I've seen your message on my message board sweetie just few seconds before I posted my update and I thought of making you happy by this simple dedication. So @jessicaalcid I dedicate this chapter to you. Thank you for being a fan and thank you for reading my story. Godbless always. I love you. <3


CHAPTER 66: Reunited



[SHANE]


Nakabalik ako sa lodge na wala pa rin sa sarili. Sinalubong ako ng samo't-saring tanong ng mga staffs maging si Manager na sobrang nag-alala na para sa akin. Pinaupo muna nila ako sa couch bago binato ng mga tanong.



"Where the hell have you been Shane?! We've been looking for you everywhere! How about Chaselle? Where is she? Goodness, its already dark outside! You made us all worried. Are you with Chaselle?? Where is she Shane?" tsaka pa lamang ako natauhan ng tapikin na ako ni Manager sa aking balikat. Tiningala ko siya bago nagsalita.



"I was with her awhile ago...But I don't know where she is right now." wala pa rin ako sa aking sarili at lumilipad pa rin ang aking utak. Iba na ang pakiramdam ko simula pa lang ng una kong makita si Chaselle pero di ko inaasahan na pwede pa lang gawin ni Chase ang bagay na ito...



As much as I wanted to think about it ay pakiramdam ko'y masyadong napagod ang aking utak para isipin pa ng isipin ang tungkol sa bagay na ito. Hindi na ako muling nagsalita pagkatapos noon at pinagpahinga na lamang ako ni Manager sa aking kwarto.



Samantala, nagpatuloy naman ang lahat sa paghahanap kay Elle...Na hindi pa rin nakakabalik ng lodge.



Saan kaya siya pumunta? May parte sa akin na nag-aalala...



Sa sobrang pag-iisip, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng umaga na at tumatama na sa aking mukha ang sinag ng araw. Bumangon ako sa aking kama at tila nanlalagkit ang buong katawan. Hindi ko na kasi nagawang magshower pa pag-uwi ko kagabi.



Tumayo ako sa aking kama at dumiretso sa banyo para maligo pagkatapos ay pinuntahan ko si Manager sakanyang kwarto, pero wala ito dito. Bumaba na lamang ako at naisipang pumunta sa restaurant ng resort, nagbabakasakali na doon ko sila makitang lahat.



Di naman ako nagkamali at nakita ko nga sila doon. Unang hinanap ng aking mga mata si Elle...P-Pero wala siya at bakante ang kanyang upuan sa aking tabi. . .Nasaan kaya siya?



Nahanap ba siya kagabi?



"Good morning Shane. Have a sit." nasa akin ang mata ng lahat at hindi ko alam kung bakit. Para bang may gusto silang itanong sa akin pero di lang nila maituloy.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant