<< OUO 43 : "buking!"

1.2K 23 0
                                    

Chapter 43

<<Trish's PoV>>

"ano ba naman 'tong si Miggy! Pagkatagal tagal, 5minutes na lang, iiwan ko na to!"

It Christmas break! :) at uuwi na ako ngayon ng Bataan.

Ito nga at iniintay ko ang magaling na si Miggy, dapat kanina pa yun nandito eh!

"baka naman natraffic lang Trish, intay pa ng konti." sabi ni Matheena.

"traffic? E ang lapit lang ng dorm nun eh."

"baka naman mahaba yung pila sa 85y*h9b6u+y"

Tinakpan ni Matheena yung bibig ni Cheska.

"saan?" takang tanong ko.

"ah.. Wala.. Mahaba ang pila sa... Sa banyo!" sabi ni Dominique.

"kung sabagay. Pero antagal. Dapat kanina pa siya nandito!"

*tok tok tok

"o, baka ayan na siya." sabi ko. Patayo na ako nang magunahan sa pagbukas ng pinto yung tatlo.

Ano bang nangyayari sa mga to at parang aligaga!?

"good morning Triiiiiissh!"

"hi Trish!"

"we will miss you Trish!"

"i will wait for pasalubong ah. Is there bukopie sa Bataan? I want one!"

Pumasok sa loob ng kwarto ang aking music  video barkada na sina Aldric, Kristen, Dolly at Greg na magkaholding hands na naman. Edi sila na.

Huli kaming nagkita last week, nung nakipagkita sa amin si Yvonne. After masettle lahat ng issue, tinawagan ko ang barkada to join us. Lumipat kami sa mall at nagfoodtrip sa foodcourt. Ang saya nga namin lalo na't ok na ang lahat sa pagitan namin ni Yvonne.

"oh? Bakit kayo napapunta?"

"iniinvite kasi sila ni +1s=#k=k0k+:-+"

"ano ka ba Cheska!" sabi ni Matheena kay Cheska.

"ah, hindi Trish. Since paalis ka na, gusto ka naming makita sa huling sandali." -Kristen

"sira! Ano? Papatayin niyo na ko? Babalik din naman ako after 3weeks."

"kahit na. We're so eager to see you. Tska dont make kalimot my Bukopie ok?" - Dolly

"baby gusto mo bilhan kita nun ngayon?" - Greg.

"ihh.. Ayoko, gusto ko galing Bataan. Thanks anyway baby!" -  Dolly

"yieeee!!!"

Nagkaingay sa kwarto dahil sa asaran. Sila na kasi ang sweet! At sila na rin ang may tawagan na baby.

"oo na nga, sige na! Dapat nga kanina pa kami nakaalis ni Miggy. E antagal tagal niya! Kainis!"

"talagang sasama sayo si Miggy?" - Aldric

"oo. Baliw yun eh."

"Baliw sayo."

Napatahimik lahat. At lahat napatingin sa kakapasok lang na si Miggy sa pinto na may dalang flowers at cake. Bukod dun may nakasabit na gitara sa katawan niya.

Once Upon OBESETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon