<< once upon OBESE? prologue

5K 82 7
                                    

Love has no size or shape.

    It cannot be measured.

Love has no exemption.

    It is created for everyone.

Love is not blind.

    It sees but it doesn’t mind

Love is unpredictable.

   It moves in most mysterious way.

Love can change you.

   It is a transformer.

Love is you

   plus him/her.

Love is Love alone.

Prologue:

            Tortitas, KitKat, Cadbury, Tobleron, Family-sized pizza, Champ burger, Large fries, 5 Mogu-mogu, Cheezy, Piattos at Magnum. PS: Pati Boy Bawang (Adobo Flavor)

*BURPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP

            Walang fiesta. Walang nagtatantrums na bata. Walang nanalo sa contest. Walang grumadweyt. Walang napromote. Walang namomovie marathon na pamilya at wala ring bibitayon. Snacks ko ‘yan para sa araw na ito.

Wala akong magawa eh, sawa na ‘kong matulog. Kaya nanuod na lang ako ng movie habng kumakain, kung kain pa ang tawag dito. Nakakabored kasi sa ngala-ngala ang walang nilalapa eh. It’s Saturday at walang ibang tao dito sa boarding house, ayun nagsiluwasan sila sa probinsiya. Long weekend kasi eh. Walang pasok ng Monday at Tuesday. Apat kami dito sa room, puro girls at lahat umuwi.

Sina Dominique, Cheska at Matheena ang mga kasama ko sa room na ito. Magkakatapusan na naman at maniningil na naman si Ursula este si Aling Lisa para sa upa. Ang pesteng bruhildang iyon, pipilitin na naman akong magdagdag ng bayad dahil lagi daw akong nandito lang, nanunuod ng tv at gumagamit ng elektrikpan! Naku, cheekbone niya! Never ano, ano siya lucky? Kasama sa bayad sa upa ang kuryente eh. Wag nga siyang dumagdag sa mga problema ko.  Baka makain ko siya ng wala sa oras.

Malapit na ang finals at tinatamad pa akong magreview.LALALALALA. :)))

I’m a second year college student taking up Advertising. At isa nga sa problema ko iyang finals na ‘yan, tapos, madedelay daw ang padala ni Mama, ewan ko ba naman kasi sa mga iyon, ‘di naman nila akong kailangan pag-aralin dito, ok na ako dun sa probinsiya namin, pa-private-private pa kasi puro mga asungot at bully naman! Grrrr.

Once Upon OBESEWhere stories live. Discover now