Chapter 5 - Message

1.8K 53 0
                                    

 Hello readers! kamusta na kayo? Please keep praying for her. Alam ninyo kahit masaya ako kapag naiisip ko siya ay syempre malulungkot na naman ako. Paano ba naman parade in review na namin sa CAT tapos makukulang pa na isang kasama kami sa paggawa nito. Paano kasi nasasanay ako na kapag may activity ay sama-sama naming gagawin iyon. Hay! nakakamiss din siya. Saka nga pala kahit na nagpapalungkot ay may rason pa rin ako na maging masaya. Una, ay Academy Day na namin sa Lunes at Martes. Tapos malapit na ang birthday ko. Maganda ang flow ng story na ito at maraming pang iba. Sana lang ay maging okay siya, siguro ay mas lalo pa akong sasaya. Pero dapat keep up and smile and fight forward! Fighting!

______________________

Gail's point of view

Matapos ng makausap ko sila ay agad na akong umalis. Sinabi ko na sa kanila ang mga dapat at di dapat nila gawin. Sa ngayon inaasahan ko na lang ay gawin nila iyon. Nandito lang ako sa bahay at tapos na ako sa page-empake. Napagdesisyunan ko ng umuwi para sabihin kay ina ang mga pangyayari. Malapit ng mag-umaga sa ngayon hinihintay ko na lamang na magising si Gel. Hanggang sa...

Gel: Ate, ano ang mga ito?

Gail: Kailangan ko ng bumalik sa Incendia Gel.

Gel: Ano?! ate naman baka mamaya...

Gail: Alam ko. *Sabay yakay kay Gel* Wala ng gagalaw sa iyo.

Gel: Ate.

Gail: Huwag kang mag-alala may napagsabihan na ako na kailangan ka nilang bantayin.

Gel: Talaga?

Gail: Oo. *Sabay kalas* Kakailanganin ko ng umuwi.

Gel: Ingat ka ate.

Kung kaya ay agad na akong lumakad at nakita ko naman sa paligid ang mga myembro ng Scarlet Gang at tumango na lamang ako ng lihim sa kanila.

FAST FORWARD...

Nakarating na ako sa Incendia at medyo napapagod na din ako. Hanggang sa may biglang lumapit sa akin na kawal.

Gail: Ano ito?

Kawal: Hindi ko po alam mahal na prinsesa. Kahapon lang ng nakarating ito dito dala po ito ng isang kahina-hinalang tao ngunit ng ipakita niya ang simbolo ng organisasyon ng iyong ina ay agad na akong pumayag. Mahigpit na bilin na ikaw lamang mahal na prinsesa ang siyang dapat na bumasa nito.

Gail: Salamat.

Galing sa grupo. Kung kaya ay agad kung binuksan ang sulat.

__________________________________________________________________________

Gail, kailangan ka na namin dito. Kailangan mo nang bumalik dito. Si Hannah, .............. si Hannah ay nadakip ng mga kalaban. Hindi namin alam kung saan siya dinala.

Hunter

___________________________________________________________________________

Sa galit ay agad ko ng pinunit ang sulat. Sinasabi ko na nga ba! sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi ko na lang sila iniwan doon! Kasalanan ko kung bakit nakuha nila si Hannah. Kailangan ko ng bumalik sa Panem. Tama!

Kung kaya ay nagmadali na akong naghanda para sa paglalakbay. Hindi naman din ako nagtagal sa paghahanda. Pagkalabas ko ay nakita ko si ina.

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now