Chapter 46 - Suprise

1.4K 43 1
                                    

HELLO READERS!!! Huh!!! Feeling ko ang tagal ko nang hindi naka-ud. Kaya naman bago pa ako maging busy sa school and other activities ko ay inunahan ko na. Hay!! may goal kasi ako kaya ayan! doble kayod. Atsaka ang saya lang dahil nakauwi na ang uncle ko galing sa ibang bansa. Masaya ako dahil na miss na kasi siya ng pinsan ko atsaka nalulungkot din ako noong mga panahon na sinasabi niyang 'daddy's coming home'. Relate kasi ako sa kanya eh... ang kaso nga lang iba naman ang sitwasyon namin.

Pero anyways... hindi ko na ito papahabain pa atsaka have a good and full of blessing day... Atsaka thank you sa support ninyo... Pls. naman bigyan naman ninyo ako ng madaming reads. Kahit iyon lang ayos na iyon.

#ThisLifeIsReallyFullOfSuprises #Unpredictible #SoBeUnpredictable #BeUnique

______________________

Kinabukasan...

Gail's point of view

Maaga pa lamang ay nagising na ako para ihanda lahat ng mga kailangan kung dalhin para sa pagpunta nila Nanang. Hindi ko na dadalhin pa ang aking kabayo dahil gusto ko munang maglakad sa ngayon. Isa pa ay baka ay may makahalata pa sa akin na umalis ako na may dalang kung anong bagay sa lalagyan ko ng gamit.

Lumabas na ako ng kwarto ko at may iniwan akong sulat na mawawala muna ako ng ilang araw dito. Sinadya ko nang hindi magpaalam sa kanila at lalo pa sa nangyari kahapon ay alam kung hindi sila papayag na aalis ako. Alam ko kasing hindi nila ako papayagan hangga't hindi kami magkakabati ni Hunter pero ano ang magagawa ko. Alam kung hindi maiintindihan ni Hunter ang sitwasyon hangga't hindi ako umamin na ako ang anak ni Gold.

Nagsimula na akong maglakad kahit pa ay ika-tatlo pa lamang ng umaga. Mas mabuti na din ito mas maaga ay mas maaga din akong makakarating sa bahay ni Nanang at mabuti na din ito dahil mahimbing na silang natutulog.

After 5 hours...

Dahil nagutom na ako ay kumain na ako sa nadaanan kung kainan. Siguro sa mga oras na ito ay nabasa na nila ang aking mensahe. Alam ko iyon dahil may isa at isang tao ang kukulit sa akin na bumangon para kumain tuwing umaga kahit alam pa nilang magagalit ako kapag gigisingin ako lalo pa at kulang ang tulog ko.

L1: Nabalitaan mo na ba?

Ang aga-aga pa nag-tsitsismisan nasa tapat ko.

L2: Ano ba iyon?

L1: Kukuha ng isang myembro ang gobernador sa bawat pamilya.

L2: Bakit daw?

L1: Hindi din sinabi eh...

L2: Baka hindi naman iyan totoo.

L1: Baka nga... pero ang nagsabi kasi sa akin ay isang tauhan na nagtratrabaho sa gobernador eh...

L2: Nako kung totoo man iyan ay hindi magandang biro iyan.

Tsk! Hindi naman nag-iisip ang mga taong ito. Ano naman din ang dahilan ng gobernador kung bakit siya kukuha ng mga tao sa bawat pamilya. Kung pwede naman silang kumuha sa mga tao na gusto maging sundalo. Isa pa ay wala namang digmaan na magaganap liban na lang kapag dumating ang oras na ipapauwi na ako ni ina sa Incendia at sasabihin niyang makikilala ko na ang aking ama.

L1: Ito pa! kapag totoo talaga ang balita alam mo ba ang ibig sabihin noon?

L2: Hindi ko alam ano ba iyon?!

L1: Kukunin din ng gobernador ang mga miyembro ng Scarlet Gang!

Teka... bakit nasali sa usapan ang organisasyon.

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now