Chapter 18 - Gail in Confusa Part Eleven {Heart in Music}

1.4K 47 0
                                    

Hello dear readers!!! kamusta na ang mga araw ninyo? Ito ako ngayon sa bahay at sobrang naiinitan na dahil sa panahon. I wish umulan na lang o di naman kaya ay lumamig. Pero asa naman ako ano! kailan ako makakikita ng summer na malamig dito sa Pilipinas.

Well... gusto ko lang sabihin sa inyo na pilit ko nang tinatapos ang future chapters eh... Atsaka tinatrabaho ko ang bagong cover for May 4. It's been a year since sinimulan ko itong story na ito. Nagdasal nga ako na sana 10k ang makuhang reads by May 4 pero grabe talaga at over 11.5 k reads na ngayon.

It's all thanks to you readers. Salamat sa lahat ninyong support. Sa lahat ng nag-vote, nag-add sa library ng story na ito at nag-gain din ako ng mga followers. Salamat talaga sa inyo guys... Saka nga pala sino na ang sumubok sa gusto maging OP dyan?

Pero anyway humaba na ang note ko gaya na lang ang paghaba ng mga chapters ngayon sa story na ito. Trinabaho ko na kasi... alam na ninyo college na ako so baka hindi na ako makapag-ud kahit na summer dahil may kukunin akong 9 units. May balak din ang kuya kung ipasali ako sa football team para daw may magawa akong iba.

Sige na! Love lots sa inyo at sana magustuhan ninyo ang chapter ninyo. God bless! Enjoy reading.

______________________

Hunter's point of view

Nandito na kaming lahat sa tinutuluyan namin. Nandito lang kaming mga lalaki sa kabilang kwarto ng mga kwarto ng mga babae.

Dylan: Nako! ito na lang si Hunter ang kulitin ninyo ano!

Samuel: Oo nga! Kailan ka ba kasi aamin kay Gail? Kapag hindi ka pa aamin na ko mauunahan ka talaga ng iba. Pakiramdam ko pa naman parang gusto ng Jayden si Gail at huwag na natin kalimutin ang prinsipe ah!

Natigilan naman ako sa sinabi ni Samuel at mukhang napansin naman ng iba ang naging reaksyon ko. Bwesit! hindi ako magpapatalo sa Jayden na iyon! at kahit kailan hindi ako magpapaubaya sa kanya.

Benjamin: Samuel.

Samuel: Nako pasensya na Hunter. Nako ano ba ang mga sinasabi ko?

Hunter: Hindi ako makakapayag na may kahati ako sa kanya.

Ramdam naman nila ang pagka-seryoso ko. Kaya tuluyan na akong humiga sa higaan ko. Para na din makapag-isip isip ako sa dapat kung gawin.

Lucas: Hunter pagpasenyahan muna si Samuel.

Caleb: Alam mo naman iyon eh... minsan hindi na niya alam ang sinasabi niya.

Hunter: Pero magsabi kayo ng totoo. Tingin ba ninyo na may gusto ang dalawang iyon kay Gail?

Kailangan ko ang totoong sagot at kahit na masasaktan ako dito ay gagawan ko na lang nang paraan.

Lucas: Hunter huwag kang magagalit ah...

Caleb: Magsasabi lang kami ng totoo.

Hunter: Sabihin na kasi ninyo.

Tumango naman silang dalawa. Siguro talagang dapat ay umamin na ako kay Gail hindi na pwedeng wala akong gawin baka mamaya ay mapunta na siya sa iba. Hindi ko kakayanin ata iyon.

Gail's point of view

Kinabukasan...

Gail: *Sabay gising*

Hay! tumayo na ako at ginawa iyong ginagawa sa umaga. Grabe, parang gustong ko pang matulog eh... pero hindi na pwede baka mamaya ay hindi pa ako makagising.

Alexis: Gail, anong nangyari sa iyo? Mukhang kulang ang tulog mo ah...

Gail: ...

Valentina: Kulang nga ang tulog mo ni hindi ka na sumagot. Pero ayos lang iyan mukhang may usapan ata kayo eh... kaya hindi ka na nag-abalang matulog ulit.

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon