Chapter 23 - Gail in Confusa Part 16 {ValCas}

1.3K 51 0
                                    

Hello dear readers!!! kamusta na kayo? Sana ay okay lang kayo pero ito ako ngayon... ang sakit ng katawan!!! Buti na lang at magpapahinga na ako bukas... Grabe malalata na talaga ako.... Eeeeeeeeeeeeeeehhhhhhh.... May kwento ako... Ngayong sunday ay may tournament game at ang akala ko ay hindi na muna nila ako papayagan na sumali dahil bago pa lang ako...

Pero! pero! pero! Tinanong ako ng biglaan ng kuya ko! Kaya naman umoo na din ako dahil total for charity event naman ang tournament at fun game lang!!! Pero kinakabahan ako!!!!!!!! dinig ko pa naman ay 8 teams ang kasali tapos!!! Mga pro ang makakaharap ko!!!!!!! Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! pressure 1 O 1. Lol!

Wahh!!!!!!! Dedicate na muna itong chapter sa lahat. Vacant kasi at wala man lang nag-comment o nag-vote o nag-add o kung ano pa... Kaya dedicate ko na lang ito sa inyong lahat bilang pasasalamat. Mag-uud na lang ako ulit bukas at sana sa...

Chapter 50 - 42 reads

Chapter 51 - 28 reads

Chapter 52 - 17 reads

Ganito na ang standing... pero hindi ko naman hinihingi iyon eh... Nagbakasakali lang naman ako. Anyway have a good and blessful day!!! Enjoy reading!

______________________

King Matheus Luke Alexander Wang point of view

Maaga pa lamang pero gusto ko nang makita si Gail. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang mga nararamdaman ko ngayon. Pero tulad ng sinasabi ko pinapaalala ni Angel ang kanyang sarili sa tuwing makikita ko si Gail.

Sa pag-uusap namin kahapon ay mas napapatunayan ko lamang sa aking sarili. Ang kanilang pagkakapareho sa lahat ng bagay. Una na dito ang kanilang mukha. Ilan sa kanilang ugali nilang dalawa. Iyon nga lang ang pagkakaiba lamang nilang dalawa ay parang walang pagod sa paggawa sa mga bagay si Angel kahit pagod na siya. Si Gail naman ay parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon.

Siguro kung buhay lamang si Angel hanggang ngayon ay gusto kung si Gail na lamang ang aking anak na babae. Saka nga pa la kasama ko si Jayden at Matteo.

Gail: Ano ba ang nangyayari sa inyo? kumain nga kayo.

Maging si Gail ay napansin din ang kalagayan na ito. Mukhang naiintindihan ni Gail ang nangyayari habang ako naman ay hindi alam kung ano ang nangyayari sa ngayon.

Jayden: Gail, I'm sorry but I don't understand you.

Gail: I'm just asking them Jayden.

Jayden: I see.

Magkasundo na pala silang dalawa. Mabuti naman.

Matteo: Your already friends I see. *Smiles* I'm grateful.

Bakit parang nahahalata kung parang hindi totoo ang ipinakitang ngiti ni Matteo sa amin o tamang hinala lang ako.

Gail: Kaon namo ayaw mo pahinala nila. (Kain na kayo at huwag kayong magpahalata.)

Ano ba ang sinasabi ni Gail? pero nandito naman ako eh... bakit hindi ko na lang itanong ko sa kanya ang mga tanong na hindi ko pa naitatanong sa kanya.

King Matheus: Matanong ko lang Gail.

Gail: Ano po iyon tiyo?

King Matheus: Ilang linggwahe ba ang alam mong intidihin at kaya mong bigkisin?

Gail: Apat pa lamang tiyo.

Apat? Dalawa pa lamang ang alam kung kaya niyang intidihin at bigkasin. Ano pa ba ang dalawang natitira?

King Matheus: Pwede ko bang malaman kung ano ang mga linggwaheng ito?

Gail: Ang kasalukuyan kung ginagamit ngayon, ang linggwahe ninyo, ang linggwahe ng Panem at ang linggwahe ng Metalli.

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now