Chapter 9 - Gail in Confusa Part Two {Blame}

1.5K 45 1
                                    

 Hello readers! pasensya na at ngayon lang ako nakapag-ud kasi nanunuod kasi ako ng Diary ng Panget at Talk Back and your Dead kasi. Well, about sa schoolmate ko ay bumuti-buti na naman daw ang kondinsyon niya. Hindi ko din kasi masyadong alam eh kasi hindi naman ako nakadalaw sa kanya na advise kasi sa amin na huwag na lang para makapagpahinga siya. Sana nga lang ay gumaling na siya. Atsaka salamat sa mga readers na nag-add ng story this one is dedicated for and I hope you enjoy this chapter. That's all and god bless to all of you.

P.S. Dumugo po ang utak ko kahapon kasi Mac-Nat namin. Tapos one week na lang bago ang Finals namin at may clerance signing pa. Tsaka bago pa man ang Finals namin ay Nat na namin. Tapos kahapon pa ay card's out namin. Diyos ko po tulungan niyo po ako makakuha ng 85 ang average konting bira na lang po!!! 84.3 lang kasi ang average ko!!!! Tulong!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ay! nagdrama pa talaga ay nako magsimula na tayo baka mamaya pa ay magkita ang mag-ama!

______________________

Gail's point of view

Nakakita na din kami ng matutuluyan sa gabing ito. Sa ngayon ay nag-usap usap na kami sa aming mga hakbang para mailigtas na si Hannah.

Hunter: Mas madali natin matuton ang lugar kung saan nila tinago si Hannah kung maghahati tayo sa grupo.

Gail: Sang-ayon ako sa plano mo Hunter.

Hunter: Hatiin natin ang mga sarili natin sa tatlong grupo. Bawat grupo ay may miyembro na tatlo hanggang apat.

Ayos may naisip akong paraan kung paano mahati ang grupo kung kaya...

Gail: Ako na ang maghati-hati ng grupo. *Ngisi*

Hunter: Alam kung maganda ang naiisip mo kaya payag ako dyan.

Gail: Ang unang grupo ay pamumunuan mo Hunter. Samantala ako naman sa pangalawa at si Dylan naman ang mamumuno sa huling grupo.

Dylan: Ayos!

Gail: Ang miyembro ng unang grupo ay kayo Samuel at Valentina. Sa pangalawa naman ay kayo Alexis, Lucas, at Emily. Sa huling grupo kayo, Caleb, Benjamin, at Chloe. May mga tanong ba kayo?

Valentina: May gusto lang akong malaman.

Gail: Ano iyon Valentina?

Valentina: Bakit tatlo lang tayo ang daya naman?!

Gail: Simple lang ang sagot dyan Valentina.

Kaya mas napangisi tuloy ako dahil alam ko sa sarili ko na mas mapapadali ang paghahanap namin kay Hannah. Kapag makikita na namin si Hannah ay maliligtas na naman siya.

Hunter: Binabalanse mo ang miyembro natin ayon sa kanilang kakayahan. Tama?

Gail: Tama ka Hunter.

Dylan: Ang galing mo!

Gail: Dylan. Wala tayong oras para magsaya. Kailangan na natin mailigtas si Hannah.

Dylan: Hindi muna kailangan pang sabihin iyan Gail.

Kahit hindi sabihin ni Dylan ay alam kung nag-alala din siya para kay Hannah. Alam ko iyon dahil iyon ang sinasabi ng kanyang mga mata.

Gail: Kailangan natin ang lahat ng pahinga ngayon dahil mahaba ang araw bukas.

Lahat: Sige!

Kung kaya ay pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil masyado pang mahaba ang araw namin.

Dylan's point of view

Pumasok na silang lahat sa kanilang mga silid kung kaya ay pumasok na din ako sa sarili kung silid dito.

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now