Chapter 6 - Rescue Plan for Hannah

1.7K 55 4
                                    

 Happy feast day! St. Scholastica! Happy birthday to Snsd's Sooyoung! Happy Birthday to Red Velvet's Seulgi! And most of all happy birthday to me! Hello readers! please keep praying. Actually ang chapter na ito ay dapat na post ko last Feb 8 pero hindi ko na nakayanan. So, bilang pambawi mag-double update ako ngayon atsaka birthday ko naman so why not diba. Ang tanong lang? May mag-gregreet ba sa akin dito sa wattpad? Sa fb at sa school ko kasi ang dami ko ng nakuhang greeting and I'm so thankful to those persons. Atsaka ngayon tapos na ang Academy Days namin kanina nga ay may program ang school namin. Actually para sa akin para siyang mini showcase eh... pero anyways nag-enjoy naman ako at sana mag-enjoy din kayong basahin ito. Thank you for the 7.2 K reads! Anyway napapansin ko lang malapit ng mag-1 year ang story na ito. That's all. Enjoy!

______________________

Gail's point of view

Nasabi ko na sa kanila ang kulang na lamang ay pagplanuhin namin ito lahat.

Caleb: Bakit tayo lang ang pupunta doon?

Alexis: Oo nga. Atsaka hindi natin alam ang pasikot-sikot ng Confusa. Tandaan ninyo hindi pa tayo kailanman tumapak doon.

Samuel: Oo nga Gail.

Gail: Alam ko pero nandoon si Hannah.

Hunter: Paano mo nalaman?

Gail: Sa paglalakbay ko papunta dito ay may nakasagupa ako kaya nakakuha ako ng impormasyon.

Dylan: Nagduda ka ba kung nagsisinungaling siya Hunter?!

Hunter: Wala akong sinabi!

Dylan: Hindi mo nga sinabi pero iyon naman ang kinikilos mo!

Nagkainitan naman silang dalawa. Kaya hindi ko na mapigilan ang galit ko at natulak ko silang dalawa.

Gail: Wala tayong oras para sa ganyan!

Valentina: Oo nga! nadakip na nga si Hannah ganyan pa din kayo.

Benjamin: Mas mabuti ng kumuha na tayo ng bangka na magdadala sa atin ng diretso sa Confusa.

Gail: Ilang oras bago makarating doon?

Lucas: Balita ko ay limang araw bago tayo makarating doon.

Chloe: Wala na bang paraan para mas mapadali ang paglalakbay natin.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Chloe. Tama! kung didiretso lang kami galing dito hanggang Confusa ay limang araw. Habang ang papuntang Panem patungo sa Incendia ay tatlong oras lamang at ang patungong Confusa galing sa Incendia ay dalawang araw na lamang kung para noon na tatlong araw. Iba na kasi ngayon mas nakabisado na kasi ng mga tao ang Confusa. Ang problema na lamang namin ay ang pagpasok sa bansa.

Gail: May paraan pa!

Ayon napalingon naman sila sa akin.

Gail: Kung pupunta muna tayo ng Incendia ay tatlong oras lamang ang itatagal. Pag-abot naman natin ng Incendia ay sasakay din tayo ng barko patungong Confusa. Dalawang araw lang ang byahe dahil kabisado ng mga tao doon ang papuntang Confusa.

Emily: Paano tayo nakakasigurado?

Gail: Isa akong Incendian at alam ko ang pasikot-sikot sa Incendia kaya walang makakapigil sa atin doon. Ang problema lang ay ang pagdating natin sa Confusa naghihigpit sila ng seguridad dahil may kumalat na sakit sa Odium, Trititia, at Disputio.

Dylan: Galing paano mo nalaman iyan?

Gail: Dahil sa nakakabata kung kapatid.

Dylan: Teka paano?

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessWhere stories live. Discover now