4. You are the Only Way

8.5K 113 5
                                    

Juan 14:6
Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

Siya lamang ang daan patungo sa Ama (Diyos). Wala ng iba. Paano kung iniignore mo Siya? Paano kung di mo Siya kinilala? May chance ka kayang maligtas? Siya lamang ang daan... So, kung di mo Siya kikilalanin, baka mapahamak ka.. Pero, kapag kinilala mo Siya, masaya Siya, alam mo kung bakit? Dahil sa simula palang, mahal na mahal ka na Niya. Handa ka nga Niyang patawarin sa lahat ng mga kasalanan mo basta't ikaw ay nagsisi at tumalikod sa kasalanang ito.. Ganyan kadakila ang pagmamahal Niya sa atin. Walang kapantay. Kung mahal mo si God, mas higit pa roon ang pagmamahal Niya sa iyo. Higit pa sa ineexpect mo.

Paano kung tinalikuran mo na Siya? Paano kung sinisisi mo Siya sa lahat ng mga nangyari sa buhay mo? Eh kung kailan ka naman sumampalataya, doon naman maraming dumaan na pagsubok sa iyo? Kung tinanggap mo si Jesus Christ bilang Panginoon at Tagapagligtas, doon palang nagsisimula ang lahat. Kasi magbabagong buhay ka na, di ba? Natural lang na maraming mga pagsubok na darating sa ating buhay, masusubukan ang pananampalataya mo sa Kanya. Hindi magbibigay ang Diyos ng pagsubok na hihigit sa iyong makakaya, dahil tapat Siya. Pero kung tinalikuran mo Siya dahil sa mga nangyari sa iyo, ikaw rin. Ikaw at ikaw ang mahihirapan. Hindi tayo kailangan ng Diyos, pero ginusto parin tayo, pero Siya kailangan mo, pero di natin Siya gusto everytime.

Alam mo kung ano ang maganda? Handa ka pa rin Niyang tanggapin, sa kabila ng pagtalikod mo sa Kanya. Mahal ka Niya. Sa pagtalikod mo sa Kanya, nalulungkot Siya. Sa pagtalikod mo sa Kanya, di ka Niya tinalikuran. Hindi ka Niya iiwan ni papabayaan man.. Sa totoo lang, ayaw Niyang may mapunta sa dagat-dagatang apoy, gusto nga Niya na ang lahat ay makaligtas, marami ang sumampalataya, binibigyan nga tayo ng maraming chance, pinapatawad tayo kung tayo'y nagsisisi. Ang nakakalungkot, malayo ang puso ng ibang tao sa Diyos, kaya kailangan Niyang gawin na sila'y isend sa dagat-dagatang apoy. Iniignore ang Magandang Balita, kaya ayan napahamak.

Ganyan kadakila ang pagmamahal Niya sa atin. Kailangan Niyang mamatay sa krus para sa ikakaligtas natin at sa mga kasalanang nagawa natin. Sabi nga Niya, Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Niya. Siya ang tagapamagitan sa Diyos mula sa atin. Dahil sa pagsakripisyo Niya, mapapatawad tayo sa ating mga kasalanan kung lubos tayong nagsisi.

Mahal ka ng Panginoon.

Written: August 21, 2015

God is always there for us (Devotionals)Where stories live. Discover now